Community Guidelines
Maligayang pagdating sa Tinder!
Sa Tinder maaaring makabuo ng mga makabuluhang koneksyon. Nag-uumpisa Ito sa Isang Swipe™. Minsan click kayo. Minsan hindi. At minsan, ang usapan ay nagbubunga ng higit pa. Labis-labis ang mga oportunidad. Walang hanggang posibilidad. Lahat (ng nasa hustong edad) ay inaanyayahang mag-explore.
Gusto naming maging masaya, ligtas, at inklusibong lugar ang Tinder kung saan ang kahit na sino ay maaaring maging habang kumikilala ng ibang tao. Kaya nandito ang Community Guidelines–para makapag-takda ng mga ekspektasyon para sa asal ng lahat, pareho sa loob at labas ng app. Kaya magpatuloy na magbasa; ang hindi pagsunod sa mga guidelines na ito ay maaaring magbunga ng totoong consequences mula sa nudge to a ban.
Tinder's Rules:
1. Tandaan ang boundaries. Magkakaiba ang comfort levels ng bawat tao. Kaya hindi namin pinapayagan ang nudity, sexual content, sexual desires, o paghahanap ng sex sa public profile mo. Kung nasa private conversation ka, okay lang ito kung okay din ito sa kausap mo. Mahalaga ang consent.2. Pag-isipang mabuti at mag-ingat sa sine-share. Huwag i-broadcast ang iyong personal na impormasyon o mga paraan para makipag-ugnayan sa iyo ang ibang tao (hindi puwede ang pag-display ng phone numbers, emails, o social handles). Ang pag-share ng numero ng iyong bank account o pag-email ng password ay hindi rin magandang idea. Huwag ka ring manghingi ng mga personal na detalye ng iba. Maging maingat kapag nagpapadala ng pera sa ibang tao. O 'wag na lang din.3. Umiwas sa bayolenteng content. Isinusulong namin ang pagiging positibo at hindi namin hahayaan ang anumang klase ng bayolenteng content na may gore, kamatayan, mga imahe o deskripsyon ng karahasan (laban sa mga tao o mga hayop), paggamit ng armas, at anumang panghihikayat o pag-puri sa pananakit sa sarili.Kung makita namin na may peligrong nagbabadya ng pinsala, maaari kaming gumawa ng aksyon para umasiste, gaya ng pagtawag direkta sa crisis resources.
4. Bumuo ng mga personal na koneksyon, hindi mga pang-negosyo. Iwasang mag-advertise, mag-promote, o mag-share ng social handles mo para lang magkaroon ng followers, magbenta ng mga bagay, mag-fundraise, o mangampanya. Ibig sabihin din nito, ang Tinder ay hindi isang lugar ng anumang sex work, escort services, o bayarang relasyon. Kaya, huwag–huwag mong gamitin ang Tinder para maghanap ng sugar daddy.5. Maging natural. Gusto nilang makilala ang totoong ikaw. Hindi ang iyong pekeng persona Iwasan ang paggawa ng fake account o magpanggap bilang ibang tao, kahit na katuwaan lang.6. Makipag-usap nang may Respeto. Medyo komplikado ang pakikipag-usap sa mga bagong tao, lalo na kapag nakikipag-interak ka sa iba't ibang klase ng tao. Malaki ang naitutulong ng respeto.Kung hindi inaasahang pumangit ang inyong pag-uusap at nakaramdam ka ng inis o galit–huminto at mag-nilay-nilay bago ka mag-react. Hindi namin pinapayagan dito ang harassment, pagbabanta, bullying, pananakot, doxing, sextortion, blackmail, o anumang gawain na sinadya para makapahamak ng iba.
Ang Tinder ay hindi lugar para sa muhi. Kailanman ay hindi namin susuportahan ang racism, bigotry, poot, o karahasan base sa kung sino ang isang tao, paano nila kinikilala ang kanilang sarili o kung ano ang itsura nila. Kasama rito (ngunit hindi limitado sa) ang kanyang lahi, etnisidad, relihiyon, kapansanan, pisikal na katangian, kasarian, pagkakakilanlan sa kasarian, edad, bansang pinagmulan, o oryentasyong sekswal. Kung may makita kang tao na hindi pasok sa personal mong pamantayan, huwag mo silang i-like o i-unmatch sila at mag-move on. Huwag mo silang i-report maliban na lang kung sa tingin mo ay lumabag sila sa aming mga policy.
7. Manguna sa pagiging mabuti, hindi sa kapahamakan. Ang anumang gawain o ugali na nagpapakita, naghahangad, o nagdudulot ng kapahamakan sa ibang member - online o offline, pisikal o digital - ay hindi papalampasin. Kasama rito ang anumang pag-anyaya o pag-uudyok ng kapahamakan.Kung nasaktan ka ng isang tao sa Tinder: una, alagaan mo ang iyong sarili, at pangalawa, maglaan ng oras para makapagdesisyon kung ano ang iyong dapat pagalingin, kung ito man ay accountability measures, disclosure, suporta, o lahat ng nabanggit. Kung kasama rito ang pag-report ng pinsala sa amin, mangyaring makipag-ugnayan. Narito kami para sa iyo.
8. Para lang sa mga nasa hustong gulang. Kailangang ikaw ay 18 o pataas upang makagamit ng Tinder. Ibig sabihin din nito, hindi namin pinapayagan ang mga letrato ng mga menor de edad na mag-isa o hubad, kasama ang mga letrato mo noong bata ka pa–kahit na gaano ka pa ka-cute noon.9. Sumunod sa batas. Bawal ang mga ilegal na content o aktibidad, kailanman. Ibig sabihin nito ay hindi mo puwedeng gamitin ang Tinder para bumili o magbenta ng droga o pekeng produkto, o humingi ng tulong para lumabag sa batas. Hindi namin pinapayagan ang sinumang gagamit ng Tinder para manghikayat o sumali sa anumang karahasan kung saan sangkot ang mga menor de edad, o human trafficking.10. Isang account lang kada tao. Puwede lang magkaroon ng isang owner ang bawat account. Para sa mga dahilang pang-logistic at privacy, hindi namin puwedeng suportahan ang pagkakaroon ng access ng maraming tao sa iisang account, kinakailangang may kaniya-kaniya ang bawat indibidwal.11. Lugar mo ito, mag-post ka ng sarili mong content. Huwag mag-post ng mga letrato o pribadong messages mula sa ibang tao maliban na lang kung binigyan ka nila ng pahintulot para gawin ito. Huwag mag-post ng gawa na may copyright o trademark ng iba.12. Maging tapat na member ng Tinder community. Huwag abusuhin ang Tinder. Huwag gamitin ang Tinder para magpakalat ng hindi totoo o nakakalitong impormasyon. Huwag magpakalat ng harmful links o unsolicited content. Huwag gumawa ng maraming accounts. Huwag gamitin ang Tinder para manloko ng tao. Huwag magpasa ng nakakalitong reports. Huwag gumamit ng third-party apps para mag-unlock ng features o laruin ang system.13. Bumisi-bisita para manatiling active. Kung hindi ka magla-log in sa Tinder account mo sa loob ng dalawang taon, iisipin naming zzZZzzZ ito at puwede namin itong burahin dahil sa pagiging inaktibo. Kaya kung gusto mong makita ka sa app, mag-log in ka paminsan-minsan.Reporting
Bilang isang member ng Tinder community, hinihikayat ka naming magsalita at magpahayag. Kung may taong nananakit sa iyo, nagpapahirap, o lumalabag sa aming Community Guidelines–i-report agad ito. Ang iyong report ay laging kumpidensyal. Sa pamamagitan ng pag-report, tinutulungan mo kaming mapatigil ang masasamang gawain at pag-uugali, at maprotektahan din ang ibang tao.
Impact
Siniseryoso namin ang aming Community Guidelines pati na rin ang impact nito sa aming komunidad. Gagawin namin ang lahat para masiguradong sinusunod ito ng mga tao. Mayroon kaming warning system na nasa lugar, pero kung patuloy ang paglabag at malala na ito, aaksyunan namin ito.
May karapatan kaming mag-imbestiga o mag-terminate ng accounts nang walang refund sa anumang purchases kung makita naming ginamit mo sa mali ang aming Services o kumilos nang hindi angkop, labag sa batas, o labag sa aming Community Guidelines o Terms of Use, kasama ang anumang mga kilos o komunikasyon na naganap sa labas ng Service ngunit may kinalaman sa ibang taong nakilala mo sa pamamagitan ng Service.