Community Guidelines

Welcome to Tinder!
Dito sa Tinder, meaningful connections can happen. It Starts With a Swipe™. Minsan click kayo. Minsan hindi. At minsan, the talking leads to more. Opportunity is overflowing. Possibilities are endless. Lahat (ng adults) ay welcome mag-explore.

Gusto naming maging fun, safe, at inclusive space ang Tinder where anyone can be themselves habang kumikilala ng ibang tao. Kaya nandito ang Community Guidelines–para makapag-set ng expectations for everyone's behavior, both on and off of the app. So read on; magkakaroon ka ng totoong consequences kung hindi mo susundin ang guidelines na ito-from a nudge to a ban.

Tinder's Rules:

Consider boundaries. Magkakaiba ang comfort levels ng bawat tao. Kaya hindi namin pinapayagan ang nudity, sexual content, sexual desires, o paghahanap ng sex sa public profile mo. Kung ika'y nasa private conversation, okay lang ito kung okay din ito sa kausap mo. Mahalaga ang consent.

Share cautiously and thoughtfully . 'Wag i-broadcast ang iyong personal information o mga paraan na maco-contact ka ng ibang tao (hindi pwede ang pag-display ng phone numbers, emails, o social handles). Ang pag-share ng iyong bank account numbers o email password ay hindi rin magandang idea. 'Wag ka ring manghingi ng personal details ng iba. Maging maingat kapag nagpapadala ng pera sa ibang tao. O 'wag na lang din.

Umiwas sa violent content. We promote positivity at hindi namin ito-tolerate ang anumang klase ng violent content na mayroong gore, death, images o descriptions ng karahasan (laban sa mga tao o mga hayop), paggamit ng armas, at anumang panghihikayat o pag-glorify ng self-harm.

Kung makita namin na may panganib sa nalalapit na pinsala, maaari kaming gumawa ng aksyon para mag-assist, gaya ng pag-contact directly sa crisis resources.

Bumuo ng personal connections, not biz ones. 'Wag mag-advertise, mag-promote, o mag-share ng iyong social handles para lang magkaroon ng followers, magbenta ng mga bagay, mag-fundraise, o mangampanya. Ibig sabihin din nito, ang Tinder ay hindi isang lugar ng anumang sex work, escort services, o bayarang relasyon. So, no–'wag mong gamitin ang Tinder para maghanap ng sugar daddy.

Just be you. Gusto nilang makilala ang totoong ikaw. Not your fake persona. 'Wag mo nang balaking gumawa ng fake account o magpanggap bilang ibang tao, even if it's just for fun.

Makipag-usap nang may Respeto. Talking to new people can be tricky, lalo na kapag nakikipag-interact ka sa mga tao from all walks of life. Respect goes a long way.

Kung biglang hindi gumanda ang inyong convo at nakaramdam ka ng inis o galit–mag-pause at mag-isip isip muna bago ka mag-react. Hindi namin pinapayagan dito ang harassment, threats, bullying, intimidation, doxing, sextortion, blackmail, o anumang gawain na sinadya para mapahamak ang iba.

Tinder is not a place for hate. Hindi namin palalagpasin ang racism, bigotry, hatred, o violence na base sa kung sino siya, ano ang itsura niya o paano niya ipinapakilala ang kanyang sarili. Kasama rito ang kanyang race, ethnicity, religious affiliation, disability, physicality, gender, gender identity, age, national origin, o sexual orientation. Kung may makita kang tao na hindi pasok sa personal criteria mo, mag-swipe left o mag-unmatch at mag-move on. Hindi mo sila kailangang i-report maliban na lang kung lumabag sila sa aming policies.

Lead with kindness, not harm. Ang anumang gawain o ugali na nagpapakita o nagdudulot ng kapahamakan sa ibang member - on o offline, physically o digitally - ay maaaring maparusahan. This includes anything calling for or inciting harm.

Kung nasaktan ka ng isang tao sa Tinder: una, alagaan mo ang iyong sarili, at pangalawa, maglaan ng oras para makapag-decide kung saan ka dapat mag-heal, kung ito ma'y accountability measures, disclosure, suporta, o lahat ng nabanggit. Kung kasama rito ang pag-report ng masamang pangyayari sa'min, please reach out. Narito kami para sa'yo.

Adults only. Ika'y dapat 18 years of age or older para makagamit ng Tinder. Ibig sabihin din nito'y hindi namin pinapayagan ang photos ng nag-iisa o hubad na minors, kasama ang photos mo noong bata ka pa–no matter how adorable you were back then.

Sumunod sa batas. Bawal ang ilegal na content o activity. Ibig sabihin nito'y hindi mo pwedeng gamitin ang Tinder para bumili o magbenta ng droga o pekeng produkto, o humingi ng tulong para lumabag sa batas. Hindi namin pinapayagan ang sinumang gagamit ng Tinder para manghikayat o sumali sa anumang karahasan kung saan involved ang minors, o human trafficking.

One account per person. Ang isang account ay para lang sa isang owner. For logistic and privacy reasons, hindi namin pwedeng suportahan ang pagkakaroon ng access ng maraming tao sa iisang account, ang bawat tao'y kinakailangang may sariling account.

This is your space, kaya mag-post ng sarili mong content. 'Wag mag-post ng images o private messages mula sa ibang tao maliban na lang kung binigyan ka nila ng consent para gawin ito. 'Wag mag-post ng gawa na may copyright o trademark ng iba.

Maging isang tapat na member ng Tinder community. 'Wag abusuhin ang Tinder. 'Wag gamitin ang Tinder para magpakalat ng false o misleading info. 'Wag magpakalat ng harmful links o unsolicited content. 'Wag gumawa ng mass accounts. 'Wag gamitin ang Tinder para mangloko ng tao. 'Wag magpasa ng maling reports. 'Wag gumamit ng third-party apps para mag-unlock ng features o laruin ang system.

Stick around to stay active. Kung hindi ka mag-log in sa iyong Tinder account sa loob ng dalawang taon, iisipin naming zzZZzzZ ito at maaari naming burahin ito dahil sa inactivity. Kaya kung gusto mong makita ka sa app, mag-log in ka from time to time.

Reporting

Bilang isang member ng Tinder community, hinihikayat ka naming magsalita at mag-speak out. Kung may taong nananakit sa'yo, nagpapahirap, o lumalabag sa aming Community Guidelines–i-report agad ito. Your report is always confidential. Sa pamamagitan ng pag-report, tinutulungan mo kaming mapatigil ang masasamang gawain at pag-uugali, at maprotektahan din ang ibang tao.

Impact

Siniseryoso namin ang aming Community Guidelines pati na rin ang impact nito sa aming komunidad. Gagawin namin ang lahat para masiguradong sinusunod ito ng mga tao. Mayroon kaming warning system in place, pero kung patuloy ang paglabag at malala na ito, aaksyunan namin ito.

May karapatan kaming mag-imbestiga o mag-terminate ng accounts nang walang refund sa anumang purchases kung makita naming ginamit mo sa mali ang aming Services o kumilos nang hindi angkop, labag sa batas, o labag sa aming Community Guidelines o Terms of Use, kasama ang anumang actions o communications na naganap sa labas ng Service ngunit may kinalaman sa ibang taong nakilala mo through the Service.