Consumer Health Data Privacy Policy
Ang Consumer Health Data Privacy Policy na ito ay dumadagdag sa aming Privacy Policy at sinadya lamang para sa mga residente ng Washington at Nevada.
Pagkolekta at Paggamit ng Consumer Health Data
Hindi kami naniniwala na nangongolekta kami ng "consumer health data," at hindi kami gumagamit ng datos na kinokolekta namin para tukuyin o gumawa ng mga hinuha tungkol sa iyong nakaraang, pangkasalukuyan, o panghinaharap na pisikal o mental na estado ng kalusugan. Dahil sa malawak ang kahulugan ng "consumer health data" sa ilang mga hurisdiksyon, gayunpaman, ang impormasyon na maaari naming kolektahin mula o tungkol sa iyo paminsan-minsan ay maaaring ituring na "consumer health data" sa ilalim ng mga batas sa mga hurisdiksyong iyon. Tulad ng ibang datos na kinokolekta namin, ang pangunahing dahilan ng aming paggamit sa impormasyong ito ay para makapagbigay kami ng serbisyo sa iyo at tulungan kang makipag-ugnayan sa ibang mga member.
Paano Namin Ibinabahagi ang Consumer Health Data
Maaari naming ibahagi ang consumer health data sa mga sumusunod na kategorya ng mga third party kapag kinakailangan para sa mga layuning inilarawan sa itaas:
Ibang mga user. Nagbabahagi ka ng impormasyon sa ibang mga user kapag kusang-loob mong inilagay ang impormasyon sa service para makita ng iba (hal., ang iyong public profile).
Mga service provider. Nagbabahagi kami ng impormasyon sa mga vendor na tumutulong sa amin sa pagpapatakbo ng aming serbisyo. Naghahatid sila sa amin ng mga serbisyo gaya ng data hosting at maintenance, customer care, at security operations.
Affiliates. Maaari kaming magbahagi ng impormasyon sa mga affiliate na umaasiste sa amin sa data processing operations, bilang mga service provider. Ang kanilang pagasiste ay maaaring may kabilang na processing operations, tulad ng data hosting at maintenance, customer care, data security, at paglaban sa spam, pang-aabuso, panloloko, at iba pang mga maling gawain.
Mga partido sa transaksyong pang-korporasyon. Maaari naming ibahagi ang iyong impormasyon kung kabilang kami, mapa-kabuuan o parte man, sa isang merger, pagbebenta, acquisition, divestiture, pag-restructure, pag-reorganize, disolusyon, pagka-bangkarote o iba pang pagbabago ng pagmamay-ari o kontrol.
Mga awtoridad na tagapagpatupad ng batas / Mga Legal na Proseso. Maaari naming ibahagi ang iyong datos para: (i) sumunod sa isang legal na proseso, tulad ng utos ng korte, subpoena o search warrant, imbestigasyon ng gobyerno / tagapagpatupad ng batas o iba pang legal na rekisito; (ii) umasiste sa pagpigil o pagtuklas ng krimen; (iii) protektahan ang safety ng sinumang tao; at (iv) pagtibayin, gamitin, o ipaglaban ang mga legal na asunto.
Ang Iyong Mga Karapatan
Maaari mong gamitin ang iyong mga karapatan sa privacy sa ilalim ng naaangkop na batas sa pamamagitan ng pagsusumite ng hiling sa aming customer care team dito.