Cookie Policy

Sa Tinder, kami ay naniniwala sa pagiging klaro at bukas tungkol sa kung paano namin kinokolekta at pinoproseso ang data tungkol sa iyo. Ang page na ito ay idinisenyo para ipaalam sa iyo ang tungkol sa aming mga gawi tungkol sa cookies at ipaliwanag sa iyo kung paano mo sila papangasiwaan.

Alam mo na ang lahat ng dapat malaman tungkol sa cookies at nais lang ayusin ang iyong settings?

Walang problema. Pumunta rito, para i-update ang settings ng cookies ng iyong website at dumiretso sa account settings sa iyong app para isaayos ang iyong privacy preferences doon.

Gusto mo pang mas malaman ang tungkol sa cookies at kung paano namin sila ginagamit?

Ikinagagalak namin itong ipaliwanag! Magpatuloy sa pagbabasa.

Paalala: Hindi sinasagot ng Cookie Policy na ito kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na impormasyon maliban sa aming paggamit ng cookies. Para mas malaman ang tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na impormasyon, pakibasa ng aming Privacy Policy rito.

Ano ang cookies?

Ang cookies ay maliliit na text files na ipinapadala sa o na-a-access mula sa iyong web browser o memory ng iyong device. Ang cookie ay karaniwang naglalaman ng pangalan ng domain (lokasyon ng internet) kung saan nagmula ang cookie, ang "tagal ng buhay" ng cookie (ibig sabihin, kung kailan ito mag-e-expire), at isang kakaibang numero na bastang nilikha o katulad na identifier. Ang cookie ay maaari ring maglaman ng impormasyon tungkol sa iyong device, tulad ng user settings, browsing history at mga ginawang aktibidad habang ginagamit ang aming mga serbisyo.

Meron bang iba't-ibang uri ng cookies?

First-party at third-party cookies

May first-party cookies at third-party cookies. Ang first-party cookies ay aming direktang inilagay sa iyong device. Halimbawa, gumagamit kami ng first-party cookies para makibagay ang aming website sa language preferences ng browser mo at para mas maunawaan ang iyong paggamit sa aming website. Ang third-party cookies ay inilalagay sa iyong device ng aming partners at service providers. Maaari mong mas malaman ang tungkol sa mga partner at service provider na ito gamit ang aming website at mga in-app consent management tool. Para sa mga detalye sa mga tool na ito, tingnan ang “Paano mo makokontrol ang cookies?” sa baba.

Session at persistent cookies

May session cookies at persistent cookies. Ang session cookies ay tumatagal lang hanggang sa isara mo ang iyong browser. Aming ginagamit ang session cookies sa iba't-ibang dahilan, kabilang ang mas matutunan ang tungkol sa iyong paggamit ng aming website sa isang single browser session at matulungan kang gamitin ang aming website nang mas epektibo. Ang persistent cookies ay may mas mahabang buhay at nananatili lampas sa iyong current session. Ang mga uri ng cookies na ito ay maaaring gamitin upang tulungan kang mag-sign-in nang mabilis muli sa aming website, para sa mga layuning pang-analitikal, at para sa iba pang mga rasong nakalarawan sa ibaba.

Paano ang ibang tracking technologies, tulad ng mga web beacon at SDK?

Ang ibang mga teknolohiya tulad ng web beacons (na tinatawag ring pixel, tags o clear gifs), tracking URLs o software development kits (SDKs) ay ginagamit sa parehong layunin gaya ng cookies. Ang web beacons ay maliliit na graphics files na naglalaman ng kakaibang identifier na nagbibigay kakayahan sa aming malaman sa tuwing may bumibisita sa aming serbisyo o nagbukas ng e-mail na aming ipinadala sa kanila. Ang tracking URLs ay kustom na ginawang links na tumutulong sa amin na maunawaan kung saan nagmumula ang traffic sa aming webpages. Ang SDKs ay maliliit na piraso ng code na kasama sa apps, na gumagana gaya ng cookies at web beacons.

Para maging simple, amin ding tinatawag ang mga teknolohiyang ito bilang "cookies" sa Cookie Policy na ito.

Saan namin ginagamit ang cookies?

Gaya ng ibang providers ng mga serbisyong pang-online, gumagamit kami ng cookies upang magbigay, protektahan at mapabuti ang aming mga serbisyo, kasama na ang pag-alala sa mga kagustuhan mo, pagkilala sa iyo sa tuwing bibisita ka sa aming website, pagsukat sa tagumpay ng aming mga marketing campaign, at pag-pepersonalisa at pag-aayos ng ads base sa iyong mga interes. Upang maisakatuparan ang mga layuning ito, maaari rin naming i-link ang impormasyon mula sa cookies kasama ang iba pang personal na impormasyon na hawak namin tungkol sa iyo.

Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, ang ilan o lahat ng mga sumusunod na uri ng cookies ay maaaring i-set sa device mo.

Uri ng cookie

Deskripsyon

Essential cookies

Ang cookies na ito ay labis na kinakailangan upang maihatid sa iyo ang aming mga serbisyo, tulad ng pagbibigay-kakayahan sa iyo na makapag-log in, pag-alala sa iyong mga kagustuhan at pagpapanatili ng iyong kaligtasan sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga malisyosong aktibidad.

Analytics cookies

Ang cookies na ito ang tumutulong sa amin na maunawaan kung paano ginagamit ang aming mga serbisyo at tumutulong sa aming i-customize at pagbutihin ang aming mga serbisyo para sa iyo.

Advertising at marketing cookies

Ang cookies na ito ay ginagamit upang matukoy kung gaano kaepektibo ang aming mga marketing campaign at gawing mas may kaugnayan sa iyo ang mga ad na nakikita mo. Isinasagawa nila ang kanilang mga tungkulin tulad ng pagtulong sa amin na maunawaan kung gaano karaming traffic ang nadadala ng aming mga marketing campaign sa aming mga serbisyo, pagpigil sa parehong ad sa patuloy na muling paglitaw, pagtiyak na ang mga ad ay maayos na ipinapakita para sa mga advertiser, pagpili ng mga adbertismong may kaugnayan sa iyo at pagsukat sa bilang ng mga ad na ipinapakita at ang kanilang performance, gaya ng kung gaano karaming tao ang nakipag-ugnayan sa isang partikular na ad.

Social networking cookies

Ang cookies na ito ay ginagamit upang hayaan kang makapagbahagi ng pages at content na sa tingin mo ay kawili-wili sa aming mga serbisyo sa pamamagitan ng third-party social networking at iba pang mga website o mga serbisyo. Ang cookies na ito ay maaari ring gamitin para sa adbertismong layunin.

Paano mo makokontrol ang cookies?

May iba't-ibang cookie management options na available para sa iyo. Pakitandaan na ang mga pagbabagong gagawin mo sa iyong cookie preferences ay maaaring magresulta sa hindi kaaya-ayang karanasan sa paggamit ng aming services dahil maaaring hindi ito personalisado sa iyo. Sa ilang mga pagkakataon, maaari mong mapansin na hindi mo magamit ang lahat o ang ilan sa aming mga serbisyo.

Mga tool na ibinibigay namin

Maaari mong itakda at ayusin ang iyong cookies preferences ano mang oras, gamit ang tool na available sa aming website, at sa pagpunta sa account settings sa iyong app at pag-ayos ng iyong app cookie preferences doon.

Mga kontrol sa browser at devices

May ilang web browsers ang nagbibigay ng settings na hinahayaan kang kontrolin o tanggihan ang cookies, o para alertuhan ka kapag may cookie na inilagay sa kompyuter mo. Ang paraan ng pamamahala ng cookies ay bahagyang naiiba sa bawat internet browser. Pwede mong tingnan ang partikular na mga hakbang sa help menu ng browser mo.

Maaari mo ring i-reset ang device identifiers o mag-opt out sa pangongolekta o pagpoproseso ng mga identifier sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na setting sa iyong mobile device. Ang mga hakbang sa pamamahala ng mga identifier ay bahagyang naiiba sa bawat device. Maaari mong suriin ang mga partikular na hakbang sa help o settings menu ng iyong espesipikong device.

Mga advertising tools na interest-based

Ang mga kompanyang pang-adbertismo ay maaaring lumahok sa mga programang self-regulatory na hinahayaan kang mag-opt out sa ano mang interest-based ads na kinabibilangan nila. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, maaari mong bisitahin ang mga sumusunod na site: Digital Advertising Alliance; Interactive Digital Advertising Alliance; Appchoices (apps lang).

Ang pag-opt out ay hindi nangangahulugan na hindi ka makakakita ng adbertismo - ang ibig sabihin nito ay hindi ka makakakita ng personalized advertising mula sa mga kompanyang sumasali sa opt-out programs. At kung magbubura ka ng cookies sa iyong device matapos mong mag-opt out, kakailanganin mong mag-opt out muli.

Google™ Cookies

Google™ Maps API Cookies

Google™ Maps API Cookies
Ang ilan sa mga feature ng aming website at ng ilang mga serbisyo ng Tinder ay nakasalalay sa paggamit ng Google™ Maps API Cookies. Ang naturang cookies ay masi-save sa iyong device.

Habang nagba-browse sa website na ito at gumagamit ng mga serbisyong nakasalalay sa Google™ Maps API cookies, ikaw ay nagpapahintulot sa pag-imbak, pagkolekta ng naturang cookies sa iyong device at sa pag-access, paggamit at pagbabahagi ng Google ng data na nakolekta sa pamamagitan nito.

Google™ ang namamahala sa mga impormasyon at sa iyong mga pinili kaugnay sa Google™ Maps API Cookies gamit ang isang interface na hiwalay sa ibinigay ng iyong browser. Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang https://www.google.com/policies/technologies/cookies/.

Google Analytics

Aming ginagamit ang Google Analytics, na isang serbisyo ng Google na gumagamit ng cookies at iba pang mga teknolohiyang pangkoleksyon ng data, upang mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng website at mga serbisyo para makapag-ulat ng website trends.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano kinokolekta at pinoproseso ang data ng Google, bisitahin ang https://policies.google.com/technologies/partner-sites. Ikaw ay maaaring mag-opt out sa Google Analytics sa pamamagitan ng pag-download ng Google Analytics opt-out browser add-on sa https://tools.google.com/dlpage/gaoptout at mag-opt out sa ad personalization ng Google sa https://adssettings.google.com/.

Paano makipag-ugnayan sa amin?

Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa Cookie Policy na ito, ito ang paraan kung paano mo kami mahahagilap:

Kung ikaw ay nakatira sa loob ng European Economic Area, United Kingdom o Switzerland:

Online: dito

Sa pamamagitan ng koreo:

Data Protection Officer

MTCH Technology Services Limited

Tinder

1 Hatch Street Upper

Dublin 2

Dublin

D02 PY28

Ireland

Kung nakatira ka sa Japan:

Online: dito

Sa pamamagitan ng koreo:

Data Protection Officer

MG Japan Services GK

c/o Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos

Kung ikaw ay nakatira sa labas ng European Economic Area, United Kingdom, Switzerland at Japan:

Online: dito

Sa pamamagitan ng koreo:

Data Protection Officer

Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos