Cookie Policy

Sa Tinder, naniniwala kami sa pagiging klaro at bukas tungkol sa kung paano namin kinokolekta at pinoproseso ang data tungkol sa iyo. Ang page na ito ay idinisenyo para ipaalam sa iyo ang tungkol sa aming mga gawi patungkol sa cookies at ipaliwanag sa iyo kung paano mo papangasiwaan ang mga ito.

Alam mo na ang lahat ng dapat malaman tungkol sa cookies at gusto mo lang ayusin ang iyong settings?

Walang problema. Pumunta dito, para i-update ang settings ng cookies ng iyong website at pumunta sa account settings sa iyong app para isaayos ang iyong mga privacy preferences doon.

Nais mong mas malaman ang tungkol sa cookies at kung paano namin ginagamit ang mga ito?

Ikinagagalak ang pagpapaliwanag! Magpatuloy sa pagbabasa.

Paalala: Ang Cookie Policy na ito ay hindi sinasagot kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na impormasyon sa labas ng aming paggamit ng cookies. Upang mas malaman ang tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na impormasyon, pakibasa ng aming Privacy Policy dito.

Ano ang cookies?

Ang cookies ay maliliit na text files na ipinapadala sa o na-a-access mula sa iyong web browser o memory ng device mo. Ang cookie ay karaniwang naglalaman ng pangalan ng domain (lokasyon ng internet) kung saan nagmula ang cookie, ang "lifetime" ng cookie (ibig sabihin, kung kailan ito magwawakas), at isang randomly generated na natatanging numero o katulad na identifier. Ang cookie ay maaari ring maglaman ng impormasyon tungkol sa iyong device, tulad ng user settings, browsing history, at mga aktibidad na isinasagawa habang ginagamit ang aming services.

May iba't-ibang uri ba ng cookies?

First-party at third-party cookies

May first-party cookies at third-party cookies. Ang first-party cookies ay aming direktang inilalagay sa iyong device. Halimbawa, gumagamit kami ng first-party cookies para makibagay ang aming website sa language preferences ng browser mo at para mas maunawaan namin ang iyong paggamit sa aming website. Ang third-party cookies ay inilalagay sa iyong device ng aming partners at service providers. Maaari mong mas malaman ang tungkol sa mga partner at service provider na ito sa pamamagitan ng aming website at mga in-app consent management tool. Para sa mga detalye tungkol sa mga tool na ito, tingnan ang “Paano mo makokontrol ang cookies?” sa baba.

Session at persistent cookies

May session cookies at persistent cookies. Ang session cookies ay tumatagal lang hanggang sa isara mo ang iyong browser. Aming ginagamit ang session cookies sa iba't-ibang rason, kabilang ang mas matuto tungkol sa iyong paggamit ng aming website sa isang single browser session at matulungan kang gamitin ang aming website nang mas mahusay. Ang persistent cookies ay may mas mahabang buhay at nananatili lampas sa iyong kasalukuyang sesyon. Ang mga uri ng cookies na ito ay magagamit upang matulungan kang mabilis na mag-sign in muli sa aming website, para sa mga layuning pang-analitikal, at para sa iba pang mga rasong nakalarawan sa ibaba.

Paano ang ibang tracking technologies, tulad ng mga web beacon at SDK?

Ang ibang mga teknolohiya tulad ng web beacons (na tinatawag ring pixel, tags or clear gifs), tracking URLs o software development kits (SDKs) ay ginagamit sa parehong layunin gaya ng cookies. Ang web beacons ay maliliit na graphics files na naglalaman ng natatanging identifier na hinahayaan kaming malaman sa tuwing may bibisita sa aming service o nagbukas ng e-mail na ipinadala namin sa kanila. Ang tracking URLs ay custom generated links na tumutulong sa amin na maunawaan kung saan nagmumula ang traffic sa aming webpages. Ang SDKs ay maliliit na piraso ng code na kasama sa apps, na gumagana gaya ng cookies at web beacons.

Para mas simple, tinatawag din namin ang mga teknolohiyang ito bilang "cookies" sa Cookie Policy na ito.

Para saan namin ginagamit ang cookies?

Gaya ng ibang providers ng online services, gumagamit kami ng cookies upang magbigay, protektahan at mapabuti ang aming services, kasama na ang pag-alala sa mga kagustuhan mo, pagkilala sa iyo sa tuwing bibisita ka sa aming website, pagsukat sa tagumpay ng aming mga marketing campaign, at pag-personalize at pag-customize ng ads base sa iyong mga interes. Upang maisakatuparan ang mga layuning ito, maaari rin naming i-link ang impormasyon mula sa mga cookie kasama ng iba pang personal na impormasyon na hawak namin tungkol sa iyo.

Kapag ginamit mo ang aming services, ang ilan o lahat ng mga sumusunod na uri ng cookie ay maaaring i-set sa device mo.

Uri ng cookie Paglalarawan
Mahahalagang cookies Ang cookies na ito ay mahigpit na kinakailangan upang maihatid sa iyo ang aming services, tulad ng pagbibigay-daan sa iyo upang makapag-log in, pag-alala sa iyong mga kagustuhan at pagpapanatili ng iyong kaligtasan sa pamamagitan ng pagtuklas sa mga malisyosong aktibidad.
Analytics cookies Ang cookies na ito ang tumutulong sa amin na maunawaan kung paano ginagamit ang aming services at tumutulong sa aming i-customize at pagbutihin ang aming mga services para sa iyo.
Advertising at marketing cookies Ang cookies na ito ay ginagamit upang matukoy kung gaano kabisa ang aming mga marketing campaign at gawing mas may kaugnayan sa iyo ang mga ad na nakikita mo. Isinasagawa nila ang ilang mga tungkulin gaya ng pagtulong sa amin na maunawaan kung gaano karaming traffic ang nadadala ng aming mga marketing campaign sa aming mga services, pagpigil sa parehong ad sa patuloy na paglitaw muli, pagtiyak na ang mga ad ay maayos na naipapakita para sa mga advertiser, pagpili ng mga ad na may kaugnayan sa iyo at pagsukat sa bilang ng mga ad na ipinapakita at ang kanilang performance, gaya ng kung gaano karaming tao ang nakipag-ugnayan sa isang partikular na ad.
Social networking cookies Ang cookies na ito ay ginagamit upang hayaan kang makapagbahagi ng pages at content na sa tingin mo ay kawili-wili sa aming services sa pamamagitan ng third-party social networking at iba pang mga website o services. Ang cookies na ito ay maaari ring gamitin para sa layuning pang-advertising.

Paano mo makokontrol ang cookies?

May iba't-ibang cookie management options na available para sa iyo. Pakitandaan na ang mga pagbabagong gagawin mo sa iyong cookie preferences ay maaaring maging dahilan ng hindi kaaya-ayang karanasan sa paggamit ng aming services dahil maaaring hindi sila naka-personalize sa iyo. Sa ilang mga pagkakataon, maaaring mapansin mo na hindi mo magamit ang lahat o ang ilan sa aming services.

Mga tool na ibinibigay namin

Maaari mong ayusin ang iyong cookies preferences ano mang oras, sa pamamagitan ng paggamit ng tool na available sa aming website, at sa pagpunta sa account settings sa iyong app at pag-ayos ng iyong app cookie preferences doon.

Mga kontrol sa browser at devices

Ilan sa mga web browser ay nagbibigay ng settings na hinahayaan kang kontrolin o tanggihan ang cookies, o inaalertohan ka kapag may cookie na inilagay sa iyong kompyuter. Ang proseso ng pamamahala ng cookies ay bahagyang naiiba sa bawat internet browser. Puwede mong i-tsek ang mga partikular na hakbang sa help menu ng iyong browser.

Maaari mo ring i-reset ang device identifiers o mag-opt out sa pangongolekta o pagpoproseso ng mga identifier sa pamamagitan ng paggamit ng angkop na setting sa iyong mobile device. Ang mga hakbang sa pamamahala ng mga identifier ay bahagyang naiiba sa bawat device. Maaari mong i-tsek ang mga partikular na hakbang sa help o settings menu ng iyong device.

Mga advertising tools na interest-based

Ang mga kompanyang pang-advertising ay maaaring lumahok sa mga programang self-regulatory na hinahayaan kang mag-opt out sa ano mang interest-based ads na kinabibilangan nila. Para sa karagdagang impormasyon tungkol dito, maaari mong bisitahin ang mga sumusunod na site: Digital Advertising Alliance; Interactive Digital Advertising Alliance; Appchoices (apps lang).

Ang pag-opt out ay hindi nangangahulugan na hindi ka makakakita ng advertising - ang ibig sabihin nito ay hindi ka makakakita ng personalized advertising mula sa mga kompanyang sumasali sa opt-out programs. 'Tsaka, kung magbubura ka ng cookies sa iyong device matapos mong mag-opt out, kailangan mong mag-opt out muli.

Google™ Cookies

Google™ Maps API Cookies

Google™ Maps API Cookies Ang ilan sa mga feature ng aming website at ilang Tinder services ang nakasalalay sa paggamit ng Google™ Maps API Cookies. Ang naturang cookies ay masi-save sa iyong device.

Sa tuwing ikaw ay nagba-browse ng website na ito at gumagamit ng services na nakadepende sa Google™ Maps API cookies, ikaw ay nagpapahintulot sa pag-imbak, pagkolekta ng naturang cookies sa iyong device at sa pag-access, paggamit at pag-share ng Google ng data na nakolekta sa pamamagitan nito.

Google™ ang namamahala ng mga impormasyon at ng iyong mga pinili kaugnay sa Google™ Maps API Cookies sa pamamagitan ng isang interface na hiwalay sa isinuplay ng iyong browser. Para sa karagdagang impormasyon, pakitingnan ang https://www.google.com/policies/technologies/cookies/.

Google Analytics

Aming ginagamit ang Google Analytics, isang Google service na gumagamit ng cookies at iba pang mga teknolohiyang pangkoleksyon ng data, upang mangolekta ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng website at services para makapag-ulat ng website trends.

Para sa karagdagang impormasyon kung paano nangongolekta at nagproproseso ng data ang Google, bisitahin ang https://policies.google.com/technologies/partner-sites. Maaari kang mag-opt out sa Google Analytics sa pamamagitan ng pag-download ng Google Analytics opt-out browser add-on sa https://tools.google.com/dlpage/gaoptout at mag-opt out sa ad personalization ng Google sa https://adssettings.google.com/.

Paano makipag-ugnayan sa amin?

Kung ikaw ay may mga tanong tungkol sa Cookie Policy na ito, ito ang paraan kung paano mo kami ma-ko-kontak:

Kung ikaw ay nakatira sa loob ng European Economic Area, United Kingdom o Switzerland:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

MTCH Technology Services Limited

Tinder

1 Hatch Street Upper

Dublin 2

Dublin

D02 PY28

Ireland

Kung nakatira ka sa Japan:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

MG Japan Services GK

c/o Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos

Kung ikaw ay nakatira sa labas ng European Economic Area, United Kingdom, Switzerland at Japan:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos