Ang Aming Pangako sa Iyo

Sa Tinder, ang iyong privacy ay aming pinakaunang prayoridad. Ang iyong privacy ang nasa sentro ng kung paano namin idinidisenyo at itinatayo ang aming services at mga produkto na iyong kilala at gusto, para lubos mo silang mapagkakatiwalaan at makapag-pokus ka sa pagbuo ng mga makabuluhang koneksyon.

Pinapahalagahan namin ang tiwalang iyong ibinibigay sa amin sa tuwing ipinagkakaloob mo sa amin ang iyong impormasyon at hindi namin ito binabalewala.

Ang aming pangako sa privacy. Aming idinidisenyo ang lahat ng aming mga produkto at services na ang nasa isip ay ang iyong privacy. Nagsasama kami ng mga eksperto mula sa iba't ibang larangan, kabilang ang legal, seguridad, engineering, disenyo ng produkto at iba pa upang matiyak na ang aming mga desisyon ay may lubos na paggalang sa iyong privacy.

Ang aming pangako sa transparency. Dahil gumagamit kami ng maraming serbisyong online na katulad ng ginagamit mo, alam namin na ang kulang na impormasyon at sobrang komplikadong wika ay karaniwang mga isyu sa mga patakaran sa privacy. Ginagawa namin ang eksaktong kabaligtaran na pamamaraan: ginagawa namin ang aming makakaya upang isulat ang aming Patakaran sa Privacy at mga kaugnay na dokumento sa simpleng salita. Talagang nais naming basahin mo ang aming mga patakaran at maunawaan ang aming mga kasanayan sa privacy!

Ang aming pangako sa seguridad. Mayroon kaming mga grupo na nakatuon sa pagpapanatiling ligtas at matibay ng iyong data. Patuloy naming ina-update ang aming mga kasanayan sa seguridad at nag-i-invest sa aming mga pagsisikap sa seguridad upang mapahusay ang kaligtasan ng iyong impormasyon.


Patakaran sa Privacy

Welcome sa Patakaran sa Privacy ng Tinder. Salamat sa paglalaan ng oras para basahin ito.

Aming pinahahalagahan na iyong ipinagkakatiwala ang iyong impormasyon sa amin at aming nilalayon na mapanatilin ang tiwala na iyon. Ito ay nagsisimula sa pagtiyak na nauunawaan mo ang impormasyong aming kinokolekta, kung bakit namin kinokolekta ito, kung paano ito ginagamit, at ang iyong mga pagpipilian tungkol sa iyong impormasyon. Ang Patakarang ito ay inilalahad ang aming mga kagawian sa privacy sa simpleng wika, pinapanatiling limitado ang legal at teknikal na bokabularyo.

Ang Privacy Policy na ito ay magkakabisa mula Enero 17, 2022. Ang nakaraang bersyon ng Privacy Policy na ito, na makikita rito, ang iiral hanggang bago ang petsang iyon.

PETSA NG BISA : Enero 17, 2022

  1. Sino Kami
  2. Kung Saan Nag-a-apply ang Patakaran sa Privacy na Ito
  3. Impormasyong Aming Kinokolekta
  4. Cookies At Iba Pang Katulad na Teknolohiyang Pangkoleksyon ng Data
  5. Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon
  6. Paano Kami Nagbabahagi ng Impormasyon
  7. Cross-Border na Paglilipat ng Data
  8. Ang Iyong Mga Karapatan
  9. Gaano Katagal Namin Itatago ang Iyong Impormasyon
  10. Privacy ng mga Bata
  11. Mga Aplikante sa Trabaho, Kontratista at Mga Kinatawan ng Vendor
  12. Mga Pagbabago sa Patakaran sa Privacy
  13. Paano Makipag-ugnayan sa Amin

Para sa mga Gumagamit sa California

Pakitingnan ang aming California Privacy Statement upang matutunan ang tungkol sa mga karapatang pang-privacy sa California.

1. Sino Kami

Kung nakatira ka sa European Economic Area (“EEA”), United Kingdom o Switzerland, ang kompanyang responsable sa iyong impormasyon sa ilalim ng Patakaran sa Privacy na ito (ang “data controller”) ay:

MTCH Technology Services Limited

Tinder

WeWork Charlemont Exchange

42 Charlemont Street

Dublin 2, D02 R593

Ireland

Kung nakatira ka sa Japan, ang kompanyang responsable sa iyong impormasyon ay:

MG Japan Services GK

4F Sumitomo Fudosan Azabu Bldg

1-4-1 Mita

Minato-ku,Tokyo 108-0073

Japan

Kung nakatira ka sa labas ng EEA, United Kingdom, Switzerland at Japan, ang kompanyang responsable sa iyong impormasyon ay:

Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos

2. Kung Saan Magagamit ang Patakaran sa Privacy na Ito

Ang Patakaran sa Privacy na ito ay angkop sa mga website, app, kaganapan at iba pang mga serbisyong pinapatakbo namin sa ilalim ng brand ng Tinder. Para mas simple, tatawagin namin ang lahat ng ito bilang aming "services" sa Patakaran sa Privacy na ito. Para mas maging malinaw, nagdagdag kami ng mga link sa Patakaran sa Privacy na ito sa lahat ng naaangkop na services.

Ang ilang mga serbisyo ay maaaring mangailangan ng kanilang sariling natatanging patakaran sa privacy. Kung may sariling patakaran sa privacy ang isang service, ang policy na iyon -- hindi ang Patakaran sa Privacy na ito -- ang gagamitin.

3. Impormasyon na Kinokolekta Namin

Alam mo namang hindi ka namin matutulungang bumuo ng mga makabuluhang koneksyon kung wala kaming ilang impormasyon tungkol sa iyo, gaya ng mga pangunahing detalye ng iyong profile at mga uri ng taong gusto mong makilala. Kami ay nangongolekta rin ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng aming services tulad ng mga access log, pati na rin ang impormasyon mula sa mga third party, tulad ng kapag na-access mo ang aming services sa pamamagitan ng iyong social media account o kapag nag-upload ka ng impormasyon mula sa iyong social media account upang makumpleto ang iyong profile. Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon, magbibigay kami ng higit pang detalye sa ibaba.

Impormasyong ibinibigay mo sa amin

Pinipili mong bigyan kami ng ilang partikular na impormasyon kapag ginagamit mo ang aming services. Kabilang dito ang:

  • Kapag gumawa ka ng account, ibibigay mo sa amin ang iyong phone number at email address, pati na rin ang ilang pangunahing detalye na kinakailangan para gumana ang service, gaya ng iyong kasarian at araw ng birthday.
  • Kapag nakumpleto mo ang iyong profile, maaari kang magbahagi sa amin ng karagdagang impormasyon, tulad ng mga detalye sa iyong bio, mga interes at iba pang mga detalye tungkol sa iyo, pati na rin ang content tulad ng mga letrato at bidyo. Upang magdagdag ng ilang partikular na content, tulad ng mga letrato at bidyo, maaari mo kaming bigyan ng access sa iyong kamera o photo album.
  • Kapag nag-subscribe ka sa isang serbisyong may bayad o bumili ka nang direkta mula sa amin (at hindi sa pamamagitan ng isang platform gaya ng iOS o Android), binibigyan mo kami o ang aming service provider sa pagbabayad ng impormasyon, gaya ng iyong debit o credit card number o iba pang impormasyong pinansyal.
  • Kapag sumali ka sa mga survey, focus group o market studies, binibigyan mo kami ng iyong mga insight sa aming mga produkto at serbisyo, mga tugon sa aming mga tanong at testimonial.
  • Kapag pinili mong sumali sa aming mga promo, event o contest, kinokolekta namin ang impormasyong ginagamit mo para magparehistro o makasali.
  • Kung makikipag-ugnayan ka sa aming customer care team, kinokolekta namin ang impormasyong ibibigay mo sa amin sa pakikipag-ugnayang ito.
  • Kung nag-share ka sa amin ng impormasyon tungkol sa ibang tao (halimbawa, kung gumagamit ka ng mga contact detail ng isang kaibigan para sa isang partikular na feature), pinoproseso namin ang impormasyong ito sa ngalan mo upang makumpleto ang iyong request.
  • Siyempre, pinoproseso din namin ang iyong mga chat sa iba pang mga member pati na rin ang content na na-publish mo, kung kinakailangan para sa pagpapatakbo ng mga serbisyo.

Impormasyong natatanggap namin mula sa iba

Bukod pa sa impormasyong maaari mong ibigay sa amin nang direkta, nakakatanggap din kami ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba, kabilang ang:

  • Members Maaaring magbigay ang mga member ng impormasyon tungkol sa iyo habang ginagamit nila ang aming mga serbisyo, halimbawa habang nakikipag-ugnayan sila sa iyo o kung nagsumite sila ng ulat na kinasasangkutan mo.

  • Social Media Maaari kang magpasya na mag-share ng impormasyon sa amin sa pamamagitan ng iyong social media account, halimbawa kung magpasya kang lumikha at mag-log in sa iyong Tinder account sa pamamagitan ng iyong social media o iba pang account (hal. Facebook, Google o Apple) o mag-upload ng impormasyon sa aming mga serbisyo tulad ng mga photo mula sa isa sa iyong mga social media account (hal., Instagram o Spotify).

  • Affiliates Ang Tinder ay bahagi ng Match Group family of businesses. Itinuturing ng Match Group na pangunahing prayoridad ang kaligtasan at seguridad ng mga member. Kung ikaw ay na-ban mula sa isa pang serbisyo ng Match Group, ang iyong impormasyon ay maaaring i-share sa amin upang payagan kaming magsagawa ng mga kinakailangang aksyon, kabilang ang pagsasara ng iyong account o pagpigil sa iyong lumikha ng isang account sa aming mga serbisyo.

  • Iba Pang Mga Partner Maaari kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa aming mga partner kung saan na-publish ang mga ad ng Tinder sa serbisyo ng isang partner (kung saan maaari silang magbigay ng mga detalye sa tagumpay ng isang kampanya). Kung saan pinahihintulutan ng batas, maaari rin kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga pinaghihinalaan o nahatulang tao mula sa mga third party bilang bahagi ng aming mga pagsisikap na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng aming mga member.

Impormasyong kinokolekta kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo

Kapag ginamit mo ang aming mga serbisyo, bumubuo ito ng teknikal na data tungkol sa kung aling mga feature ang iyong ginamit, kung paano mo ginamit ang mga ito at ang mga device na iyong ginagamit upang ma-access ang aming mga serbisyo. Tingnan sa ibaba ang higit pang mga detalye:

  • Impormasyon sa Paggamit Ang paggamit ng mga serbisyo ay bumubuo ng data tungkol sa iyong aktibidad sa aming mga serbisyo, halimbawa kung paano mo ginagamit ang mga ito (hal., kung kailan ka nag-log in, mga feature na iyong ginagamit, mga pagkilos na ginawa, impormasyong ipinakita sa iyo, nagre-refer na mga webpage address at mga ad kung saan nakipag-ugnayan ka) at ang iyong mga pakikipag-ugnayan sa iba pang mga member (hal., kung kaninong mga member ka kumonekta at nakipag-ugnayan, kailan ka nakipag-ugnayan sa kanila, ang bilang ng mga mensaheng ipinadala at natatanggap mo).

  • Impormasyon tungkol sa device Kinokolekta namin ang impormasyon mula sa at tungkol sa (mga) device na ginagamit mo para ma-access ang aming mga serbisyo, kabilang ang impormasyon tungkol sa hardware at software gaya ng IP address, ID at uri ng device, mga setting at katangian ng app, pag-crash ng app, mga advertising ID (na random na nabuong mga numero na maaari mong i-reset sa pamamagitan ng pagpunta sa mga setting ng iyong device), mga identifier na nauugnay sa cookies o iba pang mga teknolohiya na maaaring makakilala ang isang device o browser.

  • Iba pang impormasyon na mayroon mong pahintulot Kung bibigyan mo kami ng pahintulot, maaari naming kolektahin ang iyong eksaktong geolocation (latitude at longitude). Ang pagkolekta ng iyong geolocation ay maaaring mangyari sa background kahit na hindi mo ginagamit ang mga serbisyo kung ang pahintulot na ibinigay mo sa amin ay hayagang pinapayagan ang naturang koleksyon. Kung hindi mo kami bibigyan ng pahintulot na kolektahin ang iyong eksaktong geolocation, hindi namin ito kokolektahin. Gayundin, kung papayag ka, maaari kaming mangolekta ng mga photo at video (halimbawa, kung gusto mong mag-publish ng photo o video o sumali sa mga streaming feature sa aming mga serbisyo).

4. Cookies at iba pang Katulad na Teknolohiya sa Pagkolekta ng Data

Gumagamit kami at maaaring payagan namin ang iba na gumamit ng cookies at mga katulad na teknolohiya (hal., mga web beacon, pixel, SDK) para makilala ka at/o ang iyong (mga) device. Maaari mong basahin ang aming Cookie Policy para sa higit pang impormasyon kung bakit namin ginagamit ang mga ito at kung paano mo mas makokontrol ang paggamit ng mga ito.

Ang ilang mga web browser (kabilang ang Safari, Internet Explorer, Firefox at Chrome) ay may “Do Not Track” (“ DNT ”) feature na nagsasabi sa isang website na ayaw ng user na ma-track ang kanyang online na aktibidad. Kung ang isang website na tumutugon sa isang DNT signal ay makatanggap ng isang DNT signal, maaaring pigilan ng browser ang website na iyon mula sa pagkolekta ng ilang partikular na impormasyon tungkol sa user ng browser. Hindi lahat ng browser ay mayroong DNT feature at hindi pa pare-pareho ang mga signal ng DNT. Dahil dito, maraming mga negosyo, kabilang ang Tinder, ang hindi tumutugon sa mga signal ng DNT sa ngayon.

5. Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon

Ang pangunahing dahilan kung bakit ginagamit namin ang iyong impormasyon ay upang maihatid at mapabuti ang aming mga serbisyo. Bukod pa rito, ginagamit namin ang iyong impormasyon para tulungan kang panatilihing ligtas, at para mabigyan ka ng ads kung saan ka interesado. Magbasa para sa mas detalyadong paliwanag ng iba't ibang dahilan kung saan ginagamit namin ang iyong impormasyon, kasama ang mga praktikal na halimbawa.

A. Upang pangasiwaan ang iyong account at ibigay ang aming mga serbisyo sa iyo

  • Lumikha ng at pamahalaan ang iyong account
  • Bigyan ka ng customer support at tumugon sa iyong mga request
  • Kumpletuhin ang iyong mga transaksyon
  • Makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa aming mga serbisyo

B. Upang tulungan kang kumonekta sa ibang mga user

  • Irekomenda sa iyo ang iba pang mga member na makilala
  • Ipakita ang mga profile ng mga member sa isa't isa

C. Upang magbigay ng mga bagong serbisyo sa Tinder sa iyo

  • Irehistro ka at ipakita ang iyong profile sa mga bagong feature at app ng Tinder
  • Pangasiwaan ang iyong account sa mga bagong feature at app na ito

D. Upang magpatakbo ng mga kampanya sa advertising at marketing

  • Pangasiwaan ang mga sweepstakes, contest, discount o iba pang offer
  • Isagawa at sukatin ang pagiging epektibo ng mga kampanya sa advertising sa aming mga serbisyo at mga kampanya sa marketing na nagpo-promote ng Tinder sa labas ng aming mga serbisyo
  • Makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa mga produkto o serbisyo na pinaniniwalaan naming maaaring interesado ka

E. Upang mapabuti ang aming mga serbisyo at bumuo ng mga bagong serbisyo

  • Pangasiwaan ang mga focus group, market studies at mga survey
  • Suriin ang mga pakikipag-ugnayan sa mga customer care team upang mapabuti ang kalidad ng aming serbisyo
  • Unawain kung paano karaniwang ginagamit ng mga member ang mga serbisyo upang pahusayin ang mga ito (halimbawa, maaari kaming magpasya na baguhin ang hitsura at feel o di kaya'y baguhin ng lubos ang isang partikular na feature base sa kung paano nag-react ang mga member dito)
  • Bumuo ng mga bagong feature at serbisyo (halimbawa, maaari kaming magpasya na bumuo ng bagong feature base sa interes mula sa mga request na natanggap galing sa mga member).

F. Upang maiwasan, tuklasin at labanan ang panloloko at iba pang ilegal o hindi awtorisadong aktibidad

  • Hanapin at tugunan ang patuloy, pinaghihinalaan o diumano'y mga paglabag sa aming Terms of Use, lalo na sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga report at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga member
  • Mas higit na maunawaan ang at magdisenyo ng mga countermeasure laban sa mga paglabag sa aming Terms of Use
  • Panatilihin ang data tungkol sa mga paglabag sa aming Terms of Use upang maiwasang maulit ang mga ito
  • Ipatupad o gamitin ang aming mga karapatan, halimbawa ang aming Terms of Use
  • Makipag-ugnayan sa mga indibidwal na nagsumite ng report, kung ano ang ginawa namin bilang resulta ng kanilang pagreport

G. Upang matiyak ang pagsunod sa batas

  • Sumunod sa mga kinakailangan sa ilalim ng batas
  • Tumulong sa pagpapatupad ng batas

Para sa impormasyon kung paano namin pinoproseso ang personal na impormasyon sa pamamagitan ng profiling at automated na pagdedesisyon, pakitingnan ang aming FAQ.

Upang iproseso ang iyong impormasyon gaya ng inilarawan sa Privacy Policy na ito, nakadepende kami sa mga sumusunod na legal na batayan:

  • Ibigay ang aming serbisyo sa iyo: Ang dahilan kung bakit namin pinoproseso ang iyong impormasyon para sa mga layuning A, B at C sa itaas ay upang maisagawa ang kontrata na mayroon ka sa amin. Halimbawa, habang ginagamit mo ang aming serbisyo upang makabuo ng mga makabuluhang koneksyon, ginagamit namin ang iyong impormasyon upang mapanatili ang iyong account at ang iyong profile, makita ito ng iba pang mga member at magrekomenda ng iba pang mga member sa iyo at kung hindi man ay ibigay ang aming mga libre at may bayad na feature sa iyo at sa iba pang mga member.
  • Mga lehitimong interes: Pinoproseso namin ang iyong impormasyon para sa mga layuning D, E at F sa itaas, base sa aming lehitimong interes. Halimbawa, sinusuri namin ang pag-uugali ng mga user sa aming mga serbisyo upang patuloy na mapabuti ang aming mga offer, iminumungkahi namin ang mga offer na sa tingin namin ay maaaring maging interesado ka at i-promote ang aming sariling mga serbisyo, pinoproseso namin ang impormasyon upang makatulong na mapanatiling ligtas ang aming mga miyembro at pinoproseso namin ang data kung saan kinakailangan upang maipatupad ang aming mga karapatan , tumulong sa pagpapatupad ng batas at bigyang-daan kami na ipagtanggol ang aming sarili sakaling magkaroon ng legal na aksyon.
  • Sumusunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon: Pinoproseso namin ang iyong impormasyon para sa layunin G sa itaas kung saan kinakailangan para sa amin na sumunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon at patunayan ang aming pagsunod sa mga ito. Halimbawa, tinatago namin ang traffic data at data tungkol sa mga transaksyon na naaayon sa aming accounting, tax at iba pang mga obligasyon sa pagtatago ng data ayon sa batas at upang makatugon sa mga valid na request sa pag-access mula sa tagapagpatupad ng batas. Tinatago din namin ang data na nagpapatunay sa mga pahintulot na ibinibigay sa amin ng mga member at mga desisyong maaaring ginawa nila upang mag-opt out sa isang partikular na feature o pagproseso.
  • Pahintulot: Kung pipiliin mong magbigay sa amin ng impormasyon na maaaring ituring na "espesyal" o "sensitibo" sa ilang mga hurisdiksyon, gaya ng iyong sexual orientation, pumapayag ka sa aming pagproseso ng impormasyong iyon alinsunod sa Privacy Policy na ito. Paminsan-minsan, maaari naming hilingin ang iyong pahintulot na mangolekta ng partikular na impormasyon tulad ng iyong eksaktong geolocation o gamitin ang iyong impormasyon para sa ilang partikular na dahilan. Sa ilang mga pagkakataon, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot sa pamamagitan ng pag-adjust sa iyong mga setting (halimbawa kaugnay sa koleksyon ng eksaktong geolocation) o sa pamamagitan ng pagtanggal ng iyong content (halimbawa kung saan naglagay ka ng impormasyon sa iyong profile na maaaring ituring na "espesyal" o " sensitibo”). Tandaan na maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa amin sa address na nakalagay sa dulo ng Privacy Policy na ito.

6. Paano Kami Nagbabahagi ng Impormasyon

Dahil ang aming layunin ay tulungan kang gumawa ng makabuluhang mga koneksyon, ang pangunahing pag-share ng impormasyon ng mga member ay, siyempre, sa iba pang mga member. Ibinabahagi rin namin ang ilang impormasyon ng mga member sa mga service provider at mga partner na tumutulong sa amin sa pagpapatakbo ng mga serbisyo, sa iba pang kumpanya ng Match Group para sa mga tinukoy na dahilan tulad ng nakasaad sa ibaba at, sa ilang mga pagkakataon, sa mga legal na awtoridad. Magbasa para sa higit pang mga detalye tungkol sa kung paano ibinabahagi ang iyong impormasyon sa iba.

Sa ibang mga member

Nagbabahagi ka ng impormasyon sa ibang mga member kapag kusang-loob mong inilagay ang impormasyon sa serbisyo (kabilang ang iyong pampublikong profile). Mangyaring ingatan ang iyong impormasyon at tiyaking ang content na ibinabahagi mo ay mga bagay na komportable kang makita ng iba.

Kung pipiliin mong limitahan ang audience para sa lahat o bahagi ng iyong profile o para sa ilang partikular na content o impormasyong tungkol sa iyo, makikita ito ayon sa iyong mga setting.

Kung may magsumite ng report na kinasasangkutan mo (tulad ng claim na nilabag mo ang aming Terms of Use), maaari kaming makipag-ugnayan sa nag-report tungkol sa mga hakbang, kung mayroon man, na ginawa namin bilang resulta ng kanilang report. *

Sa aming mga service provider at partner

Gumagamit kami ng mga third party para tulungan kaming patakbuhin at pagbutihin ang aming mga serbisyo. Tinutulungan kami ng mga third party na ito sa iba't ibang gawain, tulad ng pagho-host at pagpapanatili ng data, analytics, pangangalaga sa customer, marketing, advertising, pagproseso ng mga bayad at mga operasyong panseguridad. Nagbabahagi din kami ng impormasyon sa mga partner na namamahagi at tumutulong sa amin sa pag-advertise ng aming mga serbisyo. Halimbawa, maaari kaming mag-share ng limitadong impormasyon tungkol sa iyo sa hashed at 'di nababasang anyo sa mga advertising partner.

Sinusunod namin ang isang mahigpit na proseso ng pagsusuri bago makipag-ugnayan sa sinumang service provider o makipagtulungan sa sinumang partner. Ang aming mga service provider at mga partner ay dapat sumang-ayon sa mahigpit na mga obligasyon sa pagiging kumpidensyal. *

Sa aming mga affiliate

Ang Tinder ay bahagi ng Match Group family of businesses.

Ibinabahagi namin ang iyong impormasyon sa mga affiliate para sa limitadong mga lehitimong layunin gaya ng nakasaad sa ibaba:

  • para gawing mas ligtas ang lahat ng platforms ng Match Group at tulungan kaming tugunan (hal., i-ban) ang masasamang elementong makikita sa isang platform pati sa ibang platform; para matulungan nila kami sa mga operasyon sa pagpoproseso ng data, bilang mga service provider, base sa aming mga tagubilin at sa aming ngalan. Maaaring kabilang sa kanilang tulong ang mga teknikal na operasyon sa pagpoproseso, tulad ng pagho-host at pagpapanatili ng data, pangangalaga sa customer, marketing at naka-target na advertising, analytics, tulong sa pananalapi at accounting, pagpapabuti ng aming serbisyo, pag-secure ng aming data at mga system at paglaban sa spam, pang-aabuso, panloloko, paglabag at iba pang maling gawain.

  • Maaari rin kaming mag-share ng impormasyon sa iba pang kumpanya ng Match Group para sa iba pang mga lehitimong layunin ng negosyo kabilang ang corporate audit, pagsusuri at pinagsama-samang pag-report, kung saan at ayon sa pinapayagan sa ilalim ng naaangkop na batas.

Functionality ng pagbabahagi

Maaari kang mag-share ng mga profile ng iba pang mga member at maaari nilang ibahagi ang sa iyo sa mga tao sa labas ng aming mga serbisyo, gamit ang functionality ng pagbabahagi. *

Para sa mga transaksyon sa korporasyon

Maaari naming ilipat ang iyong impormasyon kung kabilang kami, sa kabuuan o bahagi man, sa isang pagsasanib, pagbebenta, pagkuha, divestiture, restructuring, muling pagsasaayos, pagbuwag, pagkabangkarote o iba pang pagbabago ng pagmamay-ari o kontrol. *

Sa tagapagpatupad ng batas / kapag kinakailangan ng batas

Maaari naming ibigay ang iyong impormasyon kung kinakailangan: (i) upang sumunod sa isang legal na proseso, tulad ng isang utos ng hukuman, subpoena o search warrant, imbestigasyon ng gobyerno / tagapagpatupad ng batas o iba pang mga legal na kinakailangan; (ii) upang tumulong sa pag-iwas o pagtuklas ng krimen (depende sa naaangkop na batas); o (iii) upang protektahan ang kaligtasan ng sinumang tao. *

Upang ipatupad ang mga legal na karapatan

Maaari rin kaming mag-share ng impormasyon: (i) kung ang pagbibigay nito ay magpapagaan sa aming pananagutan sa isang aktwal o bantang demanda; (ii) kung kinakailangan upang protektahan ang aming mga legal na karapatan at legal na karapatan ng aming mga member, partner sa negosyo o iba pang mga interesadong partido; (iii) upang ipatupad ang aming mga kasunduan sa iyo; at (iv) imbestigahan, pigilan, o gumawa ng iba pang hakbang tungkol sa ilegal na gawain, pinaghihinalaang panloloko o iba pang maling gawain. *

Sa iyong pahintulot o sa iyong request

Maaari naming hingin ang iyong pahintulot na ibahagi ang iyong impormasyon sa mga third party. Sa ganitong pagkakataon, gagawin naming malinaw kung bakit gusto naming ibahagi ang impormasyon.

Maaari kaming gumamit at mag-share ng hindi personal na impormasyon (ibig sabihin, impormasyon na hindi tumutukoy kung sino ka gaya ng impormasyon ng device, pangkalahatang demograpiko, pangkalahatang data ng paggawi, geolocation sa de-identified na form), pati na rin ang personal na impormasyon sa hashed at 'di nababasang anyo, sa ilalim ng alinman sa mga pangyayaring nakalista sa itaas. Maaari din naming ibahagi ang impormasyong ito sa iba pang kumpanya ng Match Group at mga third party (lalo na ang mga advertiser) upang bumuo at maghatid ng naka-target na advertising sa aming mga serbisyo at sa mga website o application ng mga third party, at upang suriin at i-report ang ads na nakikita mo. Maaari naming pagsamahin ang impormasyong ito at ang iba pang hindi personal na impormasyon o personal na impormasyon sa hashed at 'di nababasang anyo na nakolekta mula sa ibang mga source. Higit pang impormasyon sa aming paggamit ng cookies at mga katulad na teknolohiya ay matatagpuan sa aming Cookie Policy

7. Paglipat ng Data ng Cross-Border

Ang pagbabahagi ng impormasyong nakalagay sa Section 6 ay tungkol sa mga paglilipat ng data ng cross-border sa Amerika at iba pang mga hurisdiksyon na maaaring may iba't ibang batas tungkol sa pagproseso ng data. Kapag naglipat kami ng personal na impormasyon sa labas ng EEA, United Kingdom, Switzerland o iba pang mga bansa kung saan ang mga batas sa proteksyon ng data ay itinuring na sapat ng European Commission o iba pang karampatang katawan ng pamahalaan, gumagamit kami ng mga standard contract clauses (ang standard contractual clauses ay mga pangako sa pagitan ng mga kumpanyang naglilipat ng personal na data, na nagbubuklod sa kanila upang protektahan ang privacy at seguridad ng iyong data) o iba pang naaangkop na mekanismo ng paglilipat. Kasalukuyan kaming nasa proseso ng pagsusuri ng mga paglilipat sa aming mga vendor at nauugnay na legal na basehan ayon sa desisyon kamakailan ng Court of Justice for the European Union tungkol sa paglilipat ng personal na data sa Amerika.

8. Ang Iyong Mga Karapatan

Nais naming ikaw ang may kontrol sa iyong impormasyon, kaya gusto naming ipaalala sa iyo ang mga sumusunod na opsyon at tool na magagamit mo:

  • I-access / I-update ang mga tool sa serbisyo. Makakatulong sa iyo ang mga tool at setting ng account na i-access, itama o alisin ang impormasyong ibinigay mo sa amin at direktang nauugnay sa iyong account sa loob ng serbisyo. Kung mayroon kang anumang tanong tungkol sa mga tool at setting na iyon, mangyaring makipag-ugnayan sa aming customer care team para sa tulong dito.
  • Mga pahintulot sa device. Ang mga mobile platform ay maaaring magkaroon ng mga system ng pahintulot para sa mga partikular na uri ng data ng device at mga notification, tulad ng mga contact sa phone, mga photo, mga serbisyo sa lokasyon, mga push notification at mga identifier ng advertising. Maaari mong palitan ang iyong mga setting sa iyong device upang pumayag o tumutol sa pagkolekta o pagproseso ng kaukulang impormasyon o pagpapakita ng mga kaukulang notification. Siyempre, kung gagawin mo iyon, maaaring mawalan ng functionality ang ilang partikular na serbisyo.
  • I-uninstall. Maaari mong ipatigil ang lahat ng pangongolekta ng impormasyon ng isang app sa pamamagitan ng pag-uninstall nito gamit ang karaniwang proseso ng pag-uninstall para sa iyong device. Tandaan na HINDI isinasara ng pag-uninstall ng app ang iyong account. Upang isara ang iyong account, mangyaring gamitin ang kaukulang functionality sa serbisyo.
  • Pagsara ng account. Maaari mong isara ang iyong account sa pamamagitan ng direktang paggamit ng kaukulang functionality sa serbisyo.

Nais din naming malaman mo ang iyong mga karapatan sa privacy. Narito ang ilang mahahalagang puntong dapat tandaan:

  • Pag-review ng iyong impormasyon. Ang mga naaangkop na batas sa privacy ay maaaring magbigay sa iyo ng karapatang i-review ang personal na impormasyong itinatago namin tungkol sa iyo (depende sa hurisdiksyon, ito ay maaaring tawaging karapatan sa pag-access, karapatan sa portability, karapatang malaman o mga ibang bersyon ng mga term na iyon). Maaari mong gamitin ang karapatang ito sa pamamagitan ng paglalagay ng naturang request dito.
  • Pag-update ng iyong impormasyon. Kung naniniwala kang may mali sa impormasyong hawak namin tungkol sa iyo o wala na kaming karapatan na gamitin ito at gusto mong i-request ang pagwawasto, pagtanggal, pagtutol o paglimita sa pagproseso nito, mangyaring makipag-ugnayan sa amin dito.

Para sa iyong proteksyon at proteksyon ng lahat ng aming mga member, maaari kaming humingi sa iyo ng patunay ng pagkakakilanlan bago namin masagot ang mga request sa itaas.

Tandaan, maaari naming tanggihan ang mga request, tulad ng kung hindi ka namin ma-authenticate, kung ang request ay labag sa batas o hindi wasto, o kung maaari itong lumabag sa mga trade secret o intellectual property o sa privacy o iba pang mga karapatan ng ibang tao. Kung nais mong makatanggap ng impormasyon na may kaugnayan sa isa pang member, tulad ng kopya ng anumang mga message na natanggap mo mula sa kanila sa pamamagitan ng aming serbisyo, ang ibang member ay kailangang makipag-ugnayan sa amin upang ibigay ang kanilang nakasulat na pahintulot bago ilabas ang impormasyon. Maaari rin namin silang hingan ng patunay ng pagkakakilanlan bago namin masagot ang request.

Gayundin, maaaring hindi namin matugunan ang ilang partikular na request upang tutulan o limitahan ang pagpoproseso ng personal na impormasyon, lalo na kung hindi na kami papayagang magbigay ng aming serbisyo sa iyo dahil sa mga naturang request na iyon. Halimbawa, hindi namin maibibigay ang aming serbisyo kung wala kaming petsa ng iyong kapanganakan dahil hindi namin masisiguro na ikaw ay 18 taong gulang o pataas.

Sa ilang partikular na bansa, kabilang ang European Economic Area at United Kingdom, may karapatan kang magsampa ng reklamo sa angkop na awtoridad sa proteksyon ng data kung mayroon kang mga pag-aalinlangan tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na impormasyon. Ang impormasyon tungkol sa iyong data protection regulator sa European Economic Area ay makikita dito, at sa United Kingdom dito. Ang awtoridad sa proteksyon ng data kung saan maaari kang magsampa ng reklamo ay maaaring sa lugar kung saan ka madalas naninirahan, nagtatrabaho o kung saan naganap ang isang 'di umano'y paglabag.

9. Gaano Namin Katagal Tinatago ang Iyong Impormasyon

Itinatago lang namin ang iyong personal na impormasyon hangga't kailangan namin ito para sa mga lehitimong layunin ng negosyo (gaya ng nakasaad sa Section 5) at ayon sa pinahihintulutan ng angkop na batas. Kung magdesisyon kang tumigil sa paggamit ng aming mga serbisyo, maaari mong isara ang iyong account at ang iyong profile ay hindi na makikita ng ibang mga member. Tandaan na automatic naming isasara ang iyong account kung hindi ka aktibo sa loob ng dalawang taon. Pagkatapos maisara ang iyong account, tatanggalin namin ang iyong personal na impormasyon, gaya ng nakalagay sa ibaba:

  1. Upang protektahan ang kaligtasan at seguridad ng aming mga member, nagpapatupad kami ng safety retention window ng tatlong buwan kasunod ng pagsasara ng account, o isang taon kasunod ng pag-ban ng account. Sa panahong ito, itinatago namin ang iyong impormasyon kung sakaling kailanganin na mag-imbestiga ng mga labag sa batas o nakakapinsalang mga gawain. Ang pagpapanatili ng impormasyon habang nasa safety retention window na ito ay base sa aming lehitimong interes gayundin sa mga potensyal na mga third-party na biktima.
  2. Pag natapos na ang safety retention window, tatanggalin namin ang iyong data at itatago lamang namin ang limitadong impormasyon para sa mga partikular na layunin, gaya ng nakalagay sa ibaba:
    • a) Tinatago namin ang limitadong data upang sumunod sa mga obligasyon sa pagpapanatili ng legal na data: partikular na, tinatago namin ang data ng transaksyon sa loob ng 10 taon upang sumunod sa mga legal na kinakailangan sa tax at accounting, impormasyon ng credit card sa tagal kung kailan maaaring i-challenge ng user ang transaksyon at “traffic data” / log para sa isang taon upang sumunod sa mga legal na obligasyon sa pagpapanatili ng data. Tinatago din namin ang mga rekord ng mga pahintulot na ibinibigay sa amin ng mga member sa loob ng limang taon bilang patunay sa aming pagsunod sa angkop na batas.
    • b) Tinatago namin ang limitadong impormasyon base sa aming lehitimong interes: tinatago namin ang mga rekord ng customer care at kaugnay na data pati na rin ang hindi eksaktong lokasyon ng pag-download/pagbili sa loob ng limang taon upang suportahan ang aming mga desisyon sa customer care, para ipatupad ang aming mga karapatan at bigyang-daan kaming ipagtanggol ang aming sarili kung sakaling magkaroon ng isang claim, impormasyon sa pagkakaroon ng mga nakaraang account at subscription, na tinatanggal namin tatlong taon pagkatapos ng pagsasara ng iyong huling account upang matiyak ang maayos at tamang pagtatayang pinansyal at pag-report, data ng profile sa loob ng isang taon kung sakaling magkaroon ng potensyal na paglilitis, para sa pagtatatag, pagsasakatuparan o pagtatanggol sa mga legal na claim, at data na kinakailangan upang mapigilan ang mga member na na-ban na magbukas ng bagong account, hangga't kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan at mahahalagang interes ng ating mga member.
    • c) At panghuli, pinapanatili namin ang impormasyon base sa aming lehitimong interes kung saan mayroon pang natitira o potensyal na isyu, claim o pagtatalo kung saan nangangailang panatilihin namin ang impormasyon (lalo na kung nakatanggap kami ng legal na subpoena o request na panatilihin ang data (sa ganitong pagkakataon ay kakailanganin naming panatilihin ang data upang makasunod sa aming mga legal na obligasyon) o kung kinakailangan ang data bilang bahagi ng mga legal na paglilitis).

10. Privacy ng mga Bata

Ang aming mga serbisyo ay limitado sa mga indibidwal na 18 taong gulang o pataas. Hindi namin pinapayagan ang mga indibidwal na wala pang 18 taong gulang sa aming platform. Kung sa tingin mo na ang isang miyembro ay wala pang 18 taong gulang, mangyaring gamitin ang mekanismo sa pagrereport na matatagpuan sa serbisyo.

11. Mga Aplikante sa Trabaho, Kontratista at Mga Kinatawan ng Vendor

Pinoproseso namin ang personal na impormasyon ng aming mga aplikante sa trabaho, mga kontratista at mga kinatawan ng vendor, bilang bahagi ng aming pagre-recruit at talent management operations at aming pamamahala sa mga serbisyong ibinibigay sa amin ng mga kontratista at vendor. Kung ikaw ay isang aplikante sa trabaho, kontratista o kinatawan ng vendor ng Tinder, ang ilang mahahalagang kondisyon ng Privacy Policy na ito ang sinusunod sa aming pagproseso ng iyong personal na impormasyon, kabilang ang mga bahagi ng Privacy Policy na ito na tumatalakay sa mga entity na responsable sa pagproseso ng iyong personal na impormasyon, paglilipat ng personal na impormasyon, karapatan na maaaring mayroon ka sa ilalim ng angkop na batas, kung paano makipag-ugnayan sa amin at impormasyong partikular sa California.

Kung ikaw ay isang aplikante sa trabaho, ang personal na impormasyon na pinoproseso namin tungkol sa iyo ay maaaring mag-iba depende sa trabahong hinahanap mo ngunit kadalasang kasama ang impormasyong ibinibigay mo sa amin bilang bahagi ng iyong aplikasyon sa trabaho pati na rin ang mga propesyonal na kwalipikasyon, karanasan at reference information na ibinabahagi sa amin ng mga recruiter o ibang mga third party. Ginagamit namin ang impormasyong ito upang suportahan ang proseso ng pagre-recruit, na maaaring magresulta sa isang kasunduang pantrabaho. Para sa mga kontratista at kinatawan ng vendor, maaari naming iproseso ang impormasyon ng pagkakakilanlan at impormasyong nauugnay sa trabaho, kung kinakailangan upang pamahalaan ang aming relasyon sa iyo at sa iyong pinagtratrabahuhan, na kinakailangan para sa pagtupad sa services agreement, at upang itaguyod, gamitin o labanan ang mga potensyal na legal claim. Maaari kaming magbahagi ng personal na impormasyon sa mga service provider na tumutulong sa amin sa pagre-recruit at mga operasyon sa pagproproseso ng teknikal na data pati na rin sa mga kumpanyang Match Group (halimbawa kung mayroon kang relasyon sa negosyo sa mga empleyado ng isang affiliate). Aming itinatago ang iyong personal na impormasyon hangga't kinakailangan para sa mga layuning iyon.

12. Mga Pagbabago sa Privacy Policy

Dahil palagi kaming naghahanap ng mga bago at inobatibong paraan upang matulungan kang makabuo ng mga makabuluhang koneksyon at nagsusumikap sa pagtiyak na ang mga paliwanag tungkol sa aming mga data practices ay napapanahon, ang patakarang ito ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Amin kang aabisuhan bago maging epektibo ang ano mang mahalagang pagbabago upang magkaroon ka ng panahon upang suriin ang mga pagbabagong ito.

13. Paano Makipag-ugnayan sa Amin

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Privacy Policy na ito, mayroon kang iba't ibang mga opsyon sa ibaba:

Kung ikaw ay nakatira sa loob ng European Economic Area, United Kingdom o Switzerland:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

MTCH Technology Services Limited

Tinder

WeWork Charlemont Exchange

42 Charlemont Street

Dublin 2, D02 R593

Ireland

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makikipag-ugnayan sa data protection officer, paki-klik dito.

Kung nakatira ka sa Japan:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

MG Japan Services GK

c/o Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos

Kung ikaw ay nakatira sa labas ng European Economic Area, United Kingdom, Switzerland at Japan:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos