Ang Aming Pangako sa Iyo

Sa Tinder, ang iyong privacy ay aming pinakaunang prayoridad. Ang iyong privacy ang nasa sentro ng kung paano namin idinidisenyo at itinatayo ang aming services at mga produkto na iyong kilala at gusto, para lubos mo silang mapagkakatiwalaan at makapag-pokus ka sa pagbuo ng mga makabuluhang koneksyon.

Pinapahalagahan namin ang tiwalang iyong ibinibigay sa amin sa tuwing ipinagkakaloob mo sa amin ang iyong impormasyon at hindi namin ito binabalewala.

Ang aming pangako sa privacy. Aming idinidisenyo ang lahat ng aming mga produkto at services na ang nasa isip ay ang iyong privacy. Nagsasama kami ng mga eksperto mula sa iba't ibang larangan, kabilang ang legal, seguridad, engineering, disenyo ng produkto at iba pa upang matiyak na ang aming mga desisyon ay may lubos na paggalang sa iyong privacy.

Ang aming pangako sa transparency. Dahil gumagamit kami ng maraming serbisyong online na katulad ng ginagamit mo, alam namin na ang kulang na impormasyon at sobrang komplikadong wika ay karaniwang mga isyu sa mga patakaran sa privacy. Ginagawa namin ang eksaktong kabaligtaran na pamamaraan: ginagawa namin ang aming makakaya upang isulat ang aming Patakaran sa Privacy at mga kaugnay na dokumento sa simpleng salita. Talagang nais naming basahin mo ang aming mga patakaran at maunawaan ang aming mga kasanayan sa privacy!

Ang aming pangako sa seguridad. Mayroon kaming mga grupo na nakatuon sa pagpapanatiling ligtas at matibay ng iyong data. Patuloy naming ina-update ang aming mga kasanayan sa seguridad at nag-i-invest sa aming mga pagsisikap sa seguridad upang mapahusay ang kaligtasan ng iyong impormasyon.


Patakaran sa Privacy

Welcome sa aming Privacy Policy. Maraming salamat sa paglalaan ng oras para basahin ito.

Kung ikaw ay isang California resident, tingnan ang aming California Privacy Statement, na isang karagdagan dito sa Privacy Policy.

Aming pinahahalagahan na iyong ipinagkakatiwala ang iyong impormasyon sa amin at aming nilalayon na mapanatilin ang tiwala na iyon. Ito ay nagsisimula sa pagtiyak na nauunawaan mo ang impormasyong aming kinokolekta, kung bakit namin kinokolekta ito, kung paano ito ginagamit, at ang iyong mga pagpipilian tungkol sa iyong impormasyon. Ang Patakarang ito ay inilalahad ang aming mga kagawian sa privacy sa simpleng wika, pinapanatiling limitado ang legal at teknikal na bokabularyo.

Ang Privacy Policy na ito ay mag-a-apply mula Pebrero 24, 2023. Ang nakaraang bersyon ng Privacy Policy na ito ang mag-a-apply bago ang nasabing petsa.

  1. Sino Kami
  2. Kung Saan Nag-a-apply ang Patakaran sa Privacy na Ito
  3. Impormasyong Aming Kinokolekta
  4. Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon
  5. Paano Kami Nagbabahagi ng Impormasyon
  6. Cross-Border na Paglilipat ng Data
  7. Ang Iyong Mga Karapatan
  8. Gaano Katagal Namin Itatago ang Iyong Impormasyon
  9. Privacy ng mga Bata
  10. Mga Aplikante sa Trabaho, Kontratista at Mga Kinatawan ng Vendor
  11. Mga Pagbabago sa Patakaran sa Privacy
  12. Paano Makipag-ugnayan sa Amin

1. Sino Kami

Kung nakatira ka sa European Economic Area (“EEA”), United Kingdom o Switzerland, ang kompanyang responsable sa iyong impormasyon sa ilalim ng Patakaran sa Privacy na ito (ang “data controller”) ay:

MTCH Technology Services Limited

Tinder

1 Hatch Street Upper

Dublin 2

Dublin

D02 PY28

Ireland

Kung nakatira ka sa Japan, ang kompanyang responsable sa iyong impormasyon ay:

MG Japan Services GK

4F Sumitomo Fudosan Azabu Bldg

1-4-1 Mita

Minato-ku,Tokyo 108-0073

Japan

Kung nakatira ka sa labas ng EEA, United Kingdom, Switzerland at Japan, ang kompanyang responsable sa iyong impormasyon ay:

Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos

2. Kung Saan Magagamit ang Privacy Policy na Ito

Ang Patakaran sa Privacy na ito ay angkop sa mga website, app, kaganapan at iba pang mga serbisyong pinapatakbo namin sa ilalim ng brand ng Tinder. Para mas simple, tatawagin namin ang lahat ng ito bilang aming "services" sa Patakaran sa Privacy na ito. Para mas maging malinaw, nagdagdag kami ng mga link sa Patakaran sa Privacy na ito sa lahat ng naaangkop na services.

Ang ilang mga serbisyo ay maaaring mangailangan ng kanilang sariling natatanging patakaran sa privacy. Kung may sariling patakaran sa privacy ang isang service, ang policy na iyon -- hindi ang Patakaran sa Privacy na ito -- ang gagamitin.

3. Impormasyon na Kinokolekta Namin

Alam mo namang hindi ka namin matutulungang bumuo ng mga makabuluhang koneksyon kung wala kaming ilang impormasyon tungkol sa iyo, gaya ng mga pangunahing detalye ng iyong profile at mga uri ng taong gusto mong makilala. Kami ay nangongolekta rin ng impormasyon tungkol sa iyong paggamit ng aming services tulad ng mga access log, pati na rin ang impormasyon mula sa mga third party, tulad ng kapag na-access mo ang aming services sa pamamagitan ng iyong social media account o kapag nag-upload ka ng impormasyon mula sa iyong social media account upang makumpleto ang iyong profile. Kung gusto mo ng karagdagang impormasyon, magbibigay kami ng higit pang detalye sa ibaba.

Impormasyong ibinibigay mo sa amin

Pinipili mong bigyan kami ng ilang partikular na impormasyon kapag ginagamit mo ang aming services. Kabilang dito ang:

  • Kapag gumawa ka ng isang account, ibinibigay mo sa amin ang iyong phone number at email address, pati na rin ang ibang basic na detalye na kinakailangan para gumana ang service, gaya ng iyong kasarian, birthday, at kung kanino mo gustong makipag-connect.
  • Kapag kinumpleto mo ang iyong profile, may option kang i-share ang iyong sexual orientation sa 'min. Kung ibibigay mo ang ganitong elements sa 'min, sumasang-ayon ka sa paggamit nito para sa mga layuning nakasaad sa Privacy Policy na ito. Pwede mo ring i-share ang iba pang impormasyon sa 'min, gaya ng mga detalye sa bio mo at ang iyong interests, pati na rin ang content gaya ng photos at videos. Para mag-add ng content, tulad ng pictures o videos, maaari mo kaming bigyan ng access sa iyong camera o photo album.
  • Kapag nag-subscribe ka sa isang paid service o gumawa ng purchase direkta mula sa 'min (at hindi sa pamamagitan ng isang platform gaya ng iOS o Android), binibigyan mo kami ng impormasyon tungkol sa purchases mo at ang aming payment processors ng impormasyon gaya ng iyong debit o credit card number o iba pang financial information.
  • Kapag sumali ka sa mga survey, focus group o market studies, binibigyan mo kami ng iyong mga insight sa aming mga produkto at serbisyo, mga tugon sa aming mga tanong at testimonial.
  • Kapag pinili mong sumali sa aming mga promo, event o contest, kinokolekta namin ang impormasyong ginagamit mo para magparehistro o makasali.
  • Kung makikipag-ugnayan ka sa aming customer care team, kinokolekta namin ang impormasyong ibibigay mo sa amin sa pakikipag-ugnayang ito.
  • Kung nag-share ka sa amin ng impormasyon tungkol sa ibang tao (halimbawa, kung gumagamit ka ng mga contact detail ng isang kaibigan para sa isang partikular na feature), pinoproseso namin ang impormasyong ito sa ngalan mo upang makumpleto ang iyong request.
  • Syempre, pinoproseso rin namin ang chats mo sa ibang members, pati na rin ang content na pinu-publish mo para mapatakbo at ma-secure ang services, at para mapanatiling ligtas ang ating komunidad.

Impormasyong natatanggap namin mula sa iba

Bukod pa sa impormasyong maaari mong ibigay sa amin nang direkta, nakakatanggap din kami ng impormasyon tungkol sa iyo mula sa iba, kabilang ang:

  • Members: Maaaring magbigay ang members ng impormasyon tungkol sa iyo habang ginagamit nila ang aming services, halimbawa habang nakikipag-ugnayan sila sa iyo o kung nag-submit sila ng report na kinasasangkutan mo.

  • Social Media: Nasa sa'yo kung gusto mong mag-share ng impormasyon sa 'min sa pamamagitan ng iyong social media account, halimbawa, kung magpasya kang gumawa at mag-log in sa iyong Tinder account sa pamamagitan ng iyong social media o iba pang account (hal. Facebook, Google o Apple) o mag-upload sa aming services ng impormasyon tulad ng photos mula sa isa sa social media accounts mo (hal., Instagram o Spotify).

  • Affiliates: Kami'y bahagi ng Match Group family of businesses. Itinuturing ng Match Group na top priority ang kaligtasan at seguridad ng members. Kung ikaw ay na-ban mula sa isa pang service ng Match Group, ang iyong impormasyon ay maaaring i-share sa amin upang payagan kaming magsagawa ng mga kinakailangang hakbang, kabilang ang pagsasara ng iyong account o pagpigil sa iyong gumawa ng isang account sa aming services.

  • Ibang Partners: Maaari kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa 'yo mula sa aming partners kung saan ang aming ads ay naka-publish sa service ng isang partner (kung saan maaari din nilang ibigay ang mga detalye tungkol sa success ng campaign na ito). Kung saan pahihintulutan ng batas, maaari rin kaming makatanggap ng impormasyon tungkol sa mga pinaghihinalaan o nahatulang tao mula sa mga third party bilang bahagi ng aming pagsisikap na matiyak ang kaligtasan at seguridad ng aming members.

Information generated o automatically collected kapag ginamit mo ang aming services

Kapag ginamit mo ang aming services, bumubuo ito ng technical data kung anong features ang ginamit mo, kung paano mo ito ginamit, at ang devices na ginagamit mo para ma-access ang aming services. Tingnan sa ibaba ang iba pang mga detalye.

  • Impormasyon sa paggamit: Ang paggamit ng services ay nagbubuo ng data tungkol sa mga ginagawa mo sa aming services, gaya ng kung paano mo gamitin ang mga ito (hal., kapag nag-log in ka, ang features na ginagamit mo, actions na ginawa mo, impormasyon na ipinapakita sa'yo, pagtukoy sa webpage address at ads kung saan nakipag-interact ka) at ang iyong pakikipag-ugnayan sa ibang members (hal., members kung kanino ka nakipag-connect at nakipag-ugnayan, at kapag nag-match kayo at nakipagpalitan ka ng messages sa kanila).

  • Impormasyon sa device: Kumukuha kami ng impormasyon mula sa at tungkol sa device(s) na ginagamit mo para ma-access ang aming services, kasama ang hardware at software information gaya ng IP address, device ID at type, apps settings at characteristics, app crashes, advertising IDs (randomly generated numbers na pwede mong i-reset sa pamamagitan ng pagpunta sa settings ng iyong device, at sa ilang pagkakataon, pwede mong i-disable ito), at identifiers na nauugnay sa cookies o iba pang mga teknolohiya na pwedeng kumilala sa isang device o browser.

  • Impormasyong kinokolekta ng cookies at mga katulad na teknolohiya: Gumagamit kami at maaari naming payagan ang iba na gumamit ng cookies at mga katulad na teknolohiya (hal., web beacons, pixels, SDKs) para makilala ka at/o ang iyong device(s). Maaari mong basahin ang aming Cookie Policy para sa higit pang impormasyon kung bakit namin ginagamit ang mga ito at kung paano mo mas makokontrol ang paggamit ng mga ito.

    Ang ilang web browsers (kabilang ang Safari, Internet Explorer, Firefox at Chrome) ay may “Do Not Track” (“DNT”) feature na nagsasabi sa isang website na ayaw ng user na ma-track ang kanyang online activity. Kung ang isang website na tumutugon sa isang DNT signal ay makatanggap ng isang DNT signal, maaaring i-block ng browser ang website na iyon mula sa pagkolekta ng ilang partikular na impormasyon tungkol sa browser ng user. Hindi lahat ng browser ay mayroong DNT option at hindi pa uniform ang DNT signals. Sa kadahilanang ito, karamihan sa businesses, gaya namin, ay hindi tumutugon sa DNT signals sa ngayon.

  • Iba pang impormasyon na may pahintulot mo:

    • Precise geolocation data: Kung pahihintulutan mo kami, pwede naming kolektahin ang iyong eksaktong geolocation (latitude at longitude) mula sa device mo. Ang pagkolekta ng iyong geolocation ay maaaring mangyari sa background kahit na hindi mo ginagamit ang aming services kung ang pahintulot na ibinigay mo sa amin ay ang pagpayag sa nasabing koleksyon. Kung i-decline mo ang pagbibigay sa'min ng permiso na kolektahin ang iyong eksaktong geolocation, hindi namin ito kokolektahin, at ang aming services na nangangailangan ng eksaktong geolocation ay hindi magiging available sa'yo.
    • Photo Verification data: Kung pinili mong sumali sa aming Photo Verification feature, kinokolekta namin ang iyong face geometry data, na maaaring i-consider bilang biometric data sa ibang autoridad para ma-verify na ikaw talaga 'yan. Pwede mong tingnan ang iba pang impormasyon tungkol sa Photo Verification at kung paano namin pinoproseso ang iyong face geometry data.
    • Iba pang impormasyon: Maaari naming kolektahin ang ibang impormasyon nang may pahintulot mo, gaya ng photos at videos (halimbawa, kung gusto mong mag-publish ng photo o video o sumali sa streaming features sa aming services).

4. Paano Namin Ginagamit ang Impormasyon

Ang pangunahing dahilan kung bakit ginagamit namin ang iyong impormasyon ay para i-deliver at i-improve ang aming services. Additionally, ginagamit namin ang iyong info para mapanatili kang ligtas pati na rin ang aming komunidad, at para mabigyan ka ng advertising na magiging interesado ka. Basahin ang mas detalyadong paliwanag ng iba't ibang dahilan kung saan namin ginagamit ang iyong impormasyon, kasama ang mga praktikal na halimbawa.

A. Upang pangasiwaan ang iyong account at ibigay ang aming mga serbisyo sa iyo

  • Lumikha ng at pamahalaan ang iyong account
  • Bigyan ka ng customer support at tumugon sa iyong mga request
  • Makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa aming mga serbisyo
  • I-personalize ang pricing, pag-offer ng discounts at iba pang promotions, at kumpletuhin ang iyong transactions
  • Administer sweepstakes and contests

B. Upang tulungan kang kumonekta sa ibang mga user

  • I-recommend ka sa ibang members at mag-recommend ng ibang members sa'yo
  • Ipakita ang mga profile ng mga member sa isa't isa
  • I-enable ang members na maghanap at makipag-connect sa ibang members

C. Upang magbigay ng mga bagong serbisyo sa Tinder sa iyo

  • Irehistro ka at ipakita ang iyong profile sa mga bagong feature at app ng Tinder
  • Pangasiwaan ang iyong account sa mga bagong feature at app na ito

D. Pagbibigay ng offers at isagawa ang advertising at marketing campaigns

  • Tingnan at suriin ang effectiveness ng advertising campaigns sa aming services at ang pag-market ng aming services sa labas ng platform
  • Makipag-ugnayan sa iyo tungkol sa mga produkto o serbisyo na pinaniniwalaan naming maaaring interesado ka

E. Upang mapabuti ang aming mga serbisyo at bumuo ng mga bagong serbisyo

  • Pangasiwaan ang mga focus group, market studies at mga survey
  • Suriin ang mga pakikipag-ugnayan sa mga customer care team upang mapabuti ang kalidad ng aming serbisyo
  • Unawain kung paano karaniwang ginagamit ng mga member ang mga serbisyo upang pahusayin ang mga ito (halimbawa, maaari kaming magpasya na baguhin ang hitsura at feel o di kaya'y baguhin ng lubos ang isang partikular na feature base sa kung paano nag-react ang mga member dito)
  • Bumuo ng bagong features at services (halimbawa, maaari kaming magpasya na bumuo ng bagong interest-based feature mula sa mga request na natanggap galing sa members)

F. Upang maiwasan, tuklasin at labanan ang panloloko at iba pang ilegal o hindi awtorisadong aktibidad

  • Hanapin at tugunan ang patuloy, pinaghihinalaan o diumano'y mga paglabag sa aming Terms of Use, lalo na sa pamamagitan ng pagsusuri ng mga report at pakikipag-ugnayan sa pagitan ng mga member
  • Mas higit na maunawaan ang at magdisenyo ng mga countermeasure laban sa mga paglabag sa aming Terms of Use
  • Panatilihin ang data tungkol sa paglabag sa aming Terms of Use para matugunan ang paglabag na ito at maiwasan ang posibleng muling pangyayari nito
  • Ipatupad o isagawa ang aming mga karapatan, gaya ng mga karapatang inilagay namin sa aming Terms of Use
  • Makipag-usap sa individuals na nag-submit ng report, kasama ang aming isinagawa bilang resulta ng kanilang submission

G. Upang matiyak ang pagsunod sa batas

  • Sumunod sa mga kinakailangan sa ilalim ng batas
  • Tumulong sa pagpapatupad ng batas

Para sa impormasyon kung paano namin pinoproseso ang personal na impormasyon sa pamamagitan ng profiling at automated na pagdedesisyon, pakitingnan ang aming FAQ.

Upang iproseso ang iyong impormasyon gaya ng inilarawan sa Privacy Policy na ito, nakadepende kami sa mga sumusunod na legal na batayan:

  • Pagbibigay ng aming service sa iyo: Ang dahilan kung bakit namin pinoproseso ang iyong impormasyon para sa mga layuning A, B at C sa itaas ay upang magampanan namin ang iyong kontrata sa amin. Halimbawa, habang ginagamit mo ang aming service para makabuo ng makabuluhang connections, ginagamit namin ang iyong impormasyon para mapanatili ang account at profile mo, makita ito ng iba pang members at mag-recommend ng iba pang members sa 'yo at kung hindi man ay ibigay ang aming libre at paid features sa 'yo at sa iba pang members.
  • Lehitimong interests: Pinoproseso namin ang iyong impormasyon para sa mga layuning D, E at F sa itaas, base sa aming lehitimong interes. Halimbawa, sinusuri namin ang mga gawain ng users sa aming services para patuloy na mapaganda ang aming offerings, nagsu-suggest kami ng offers na sa tingin namin ay magiging interesado ka at pino-promote rin namin ang aming sariling services, pinoproseso namin ang impormasyon para mapanatiling ligtas ang aming members at pinoproseso namin ang data kung saan kinakailangan para maipatupad ang aming mga karapatan, tumulong sa pagpapatupad ng batas at maipagtanggol ang aming sarili sakaling magkaroon ng legal action.
  • Pagsunod sa mga angkop na batas at regulasyon: Pinoproseso namin ang iyong impormasyon para sa layuning G sa itaas kung saan kinakailangan namin ito para sumunod sa mga naaangkop na batas at regulasyon at patunayan ang aming pagsunod sa mga ito. Halimbawa, iniingatan namin ang traffic data at data tungkol sa mga transaksyon na naaayon sa aming accounting, tax at iba pang mga obligasyon sa statutory data retention para makatugon sa valid access requests mula sa tagapagpatupad ng batas. Iniingatan din namin ang data na nagpapatunay sa mga pahintulot na ibinibigay sa amin ng members at mga desisyong maaaring ginawa nila para mag-opt out sa isang partikular na feature o pagproseso.
  • Pahintulot: Kung pipiliin mong magbigay sa amin ng impormasyon na itinuturing bilang "espesyal" o "sensitibo" sa ilang mga jurisdiction, gaya ng iyong sexual orientation, sumasang-ayon ka sa aming pagproseso ng nasabing impormasyon alinsunod sa Privacy Policy na ito. Paminsan-minsan, maaari naming hilingin ang iyong pahintulot na mangolekta ng partikular na impormasyon tulad ng iyong eksaktong geolocation o gamitin ang iyong impormasyon para sa ilang partikular na dahilan. Sa ilang mga pagkakataon, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot sa pamamagitan ng pag-adjust sa iyong settings (halimbawa, kaugnay sa koleksyon ng eksaktong geolocation) o sa pamamagitan ng pagtanggal ng iyong content (halimbawa, kung saan naglagay ka ng impormasyon sa iyong profile na maaaring ituring na "espesyal" o " sensitibo”). Gayunman, tandaan na maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan sa 'min sa address na nakalagay sa dulo ng Privacy Policy na ito.

5. Paano Namin Ibinabahagi ang Impormasyon

Dahil ang aming layunin ay tulungan kang magkaroon ng makabuluhang connections, ang pangunahing pag-share ng impormasyon ng members ay syempre, para sa iba pang members. Ibinabahagi rin namin ang ilang klase ng impormasyon ng members sa service providers at partners na tumutulong sa amin sa pagpapatakbo ng services, sa iba pang kumpanya ng Match Group para sa partikular ng mga dahilan tulad ng nakasaad sa ibaba at, sa ilang mga pagkakataon, sa mga legal na autoridad. Basahin ang iba pang mga detalye kung paano ibinabahagi ang iyong impormasyon sa iba.

Sa ibang mga member

Nagbabahagi ka ng impormasyon sa ibang mga member kapag kusang-loob mong inilagay ang impormasyon sa serbisyo (kabilang ang iyong pampublikong profile). Mangyaring ingatan ang iyong impormasyon at tiyaking ang content na ibinabahagi mo ay mga bagay na komportable kang makita ng iba. Nagbabahagi ka ng impormasyon sa ibang mga member kapag kusang-loob mong inilagay ang impormasyon sa serbisyo (kabilang ang iyong pampublikong profile). Mangyaring ingatan ang iyong impormasyon at tiyaking ang content na ibinabahagi mo ay mga bagay na komportable kang makita ng iba. Nagbabahagi ka ng impormasyon sa ibang mga member kapag kusang-loob mong inilagay ang impormasyon sa serbisyo (kabilang ang iyong pampublikong profile). Mangyaring ingatan ang iyong impormasyon at tiyaking ang content na ibinabahagi mo ay mga bagay na komportable kang makita ng iba.

Kung pipiliin mong limitahan ang audience para sa lahat o bahagi ng iyong profile o para sa ilang partikular na content o impormasyong tungkol sa iyo, makikita ito ayon sa iyong mga setting.

Kung may mag-submit ng report na kinasasangkutan mo (tulad ng claim na nilabag mo ang aming Terms of Use), maaari kaming makipag-ugnayan sa nag-report tungkol sa mga hakbang, kung mayroon man, na ginawa namin bilang resulta ng kanilang report.

Sa aming mga service provider at partner

Gumagamit kami ng vendors para tulungan kaming mag-operate, mag-distribute, mag-market, at i-improve ang aming services, gaya ng data hosting and maintenance, analytics, customer care, marketing, advertising, payment processing, at security operations. Ibinabahagi rin namin ang impormasyong ito sa vendors na nagdi-distribute at tumutulong sa'min sa pag-advertise ng aming services. Halimbawa, maaari naming i-share ang ilang impormasyon tungkol sa'yo sa isang hashed, non-human readable form sa advertising vendors.

Sumusunod kami sa isang mahigpit na vetting process bago mag-engage sa anumang vendor o makipag-trabaho sa sinumang partner. Ang aming vendors at partners ay dapat sumang-ayon sa strict confidentiality obligations.

Sa aming mga affiliate

Kami ay bahagi ng Match Group family of businesses. Ibinabahagi namin ang iyong impormasyon sa affiliates para sa limitadong lehitimong layunin gaya ng nakasaad sa ibaba:

  • Para gawing mas ligtas ang lahat ng Match Group platforms at matugunan namin (hal., i-ban) ang mga masasamang user na makikita sa isang platform at sa iba pa

  • Para matulungan nila kami sa aming data processing operations, bilang processors / service providers, sa aming instructions and on our behalf. Kasama sa kanilang pagtulong ang technical processing operations, tulad ng data hosting and maintenance, customer care, marketing and targeted advertising, analytics, finance and accounting assistance, pagpapabuti ng aming service, pag-secure ng aming data at systems at paglaban sa spam, pang-aabuso, panloloko, paglabag at iba pang maling gawain.

  • Maaari rin kaming mag-share ng impormasyon sa iba pang Match Group companies para sa iba pang legitimate business purposes kabilang ang corporate audit, analysis and consolidated reporting, kung saan at ayon sa ilalim ng naaangkop na batas.

Functionality ng pagbabahagi

Maaari mong i-share ang profile ng ibang members at pwede rin nilang i-share ang profile mo sa mga tao sa labas ng aming services, gamit ang sharing functionality.

Para sa mga transaksyon sa korporasyon

Maaari naming ilipat ang iyong impormasyon kung kabilang kami, sa kabuuan o bahagi man, sa isang pagsasanib, pagbebenta, pagkuha, divestiture, restructuring, muling pagsasaayos, pagbuwag, pagkabangkarote o iba pang pagbabago ng pagmamay-ari o kontrol.

Sa tagapagpatupad ng batas / kapag kinakailangan ng batas

Maaari naming ibigay ang iyong impormasyon kung kinakailangan: (i) upang sumunod sa isang legal na proseso, tulad ng isang utos ng hukuman, subpoena o search warrant, imbestigasyon ng gobyerno / tagapagpatupad ng batas o iba pang mga legal na kinakailangan; (ii) upang tumulong sa pag-iwas o pagtuklas ng krimen (depende sa naaangkop na batas); o (iii) upang protektahan ang kaligtasan ng sinumang tao.

Upang ipatupad ang mga legal na karapatan

Maaari rin kaming mag-share ng impormasyon: (i) kung ang pagbibigay nito ay magpapagaan sa aming pananagutan sa isang aktwal o bantang demanda; (ii) kung kinakailangan upang protektahan ang aming mga legal na karapatan at legal na karapatan ng aming mga member, partner sa negosyo o iba pang mga interesadong partido; (iii) upang ipatupad ang aming mga kasunduan sa iyo; at (iv) imbestigahan, pigilan, o gumawa ng iba pang hakbang tungkol sa ilegal na gawain, pinaghihinalaang panloloko o iba pang maling gawain.

Sa iyong pahintulot o sa iyong request

Maaari naming hingin ang iyong pahintulot na ibahagi ang iyong impormasyon sa mga third party. Sa ganitong pagkakataon, gagawin naming malinaw kung bakit gusto naming ibahagi ang impormasyon. Maaari naming hingin ang iyong pahintulot na ibahagi ang iyong impormasyon sa mga third party. Sa ganitong pagkakataon, gagawin naming malinaw kung bakit gusto naming ibahagi ang impormasyon. Maaari naming hingin ang iyong pahintulot na ibahagi ang iyong impormasyon sa mga third party. Sa ganitong pagkakataon, gagawin naming malinaw kung bakit gusto naming ibahagi ang impormasyon.

Maaari kaming gumamit at mag-share ng non-personal na impormasyon (ibig sabihin, impormasyon na hindi tumutukoy kung sino ka gaya ng device information, general demographics, general behavioral data, location sa de-identified na form), pati na rin ang personal na impormasyon sa hashed, non-human readable form, sa ilalim ng alinman sa mga pangyayaring nakalista sa itaas. Maaari rin naming ibahagi ang impormasyong ito sa iba pang kumpanya ng Match Group at mga third party (lalo na ang advertisers) para bumuo at mag-deliver ng targeted advertising sa aming services at sa websites o applications ng third parties, at para suriin at mag-report sa advertising na nakikita mo. Maaari naming isama ang impormasyong ito sa iba pang non-personal na impormasyon o personal na impormasyon sa hashed, non-human readable form na nakolekta mula sa ibang sources. Ang iba pang impormasyon sa aming paggamit ng cookies at mga katulad na teknolohiya ay makikita sa aming Cookie Policy

6. Cross-Border Data Transfers

Ang pagbabahagi ng impormasyong nakalagay sa Section 5 ay tungkol sa cross-border data transfers sa Amerika at iba pang mga jurisdiction na maaaring may ibang batas tungkol sa pagproseso ng data. Kapag naglipat kami ng personal na impormasyon sa labas ng EEA, United Kingdom, Switzerland o iba pang mga bansa kung saan ang mga batas sa proteksyon ng data ay itinuring na sapat ng European Commission o iba pang karampatang katawan ng pamahalaan, gumagamit kami ng mga standard contract clauses (ang standard contractual clauses ay mga pangako sa pagitan ng mga kumpanyang naglilipat ng personal na data, na nagbibigay sa kanila ng obligasyong protektahan ang privacy at seguridad ng iyong data) o iba pang naaangkop na mekanismo ng paglilipat. Kasalukuyan kaming nasa proseso ng pagre-review ng transfers sa aming vendors at mga nauugnay na legal na basehan ayon sa desisyon kamakailan ng Court of Justice for the European Union tungkol sa paglilipat ng personal na data sa Amerika.

7. Iyong Mga Karapatan at Pagpipilian

Nais naming ikaw ang may kontrol sa iyong impormasyon, kaya gusto naming ipaalala sa iyo ang mga sumusunod na opsyon at tool na magagamit mo:

  • I-access / I-update ang mga tool sa service. Ang tools at account settings ay makatutulong para makita, maayos, o tanggalin ang impormasyon na ibinigay mo sa amin at kaugnay sa iyong account direkta sa loob ng service. Kung may katanungan ka sa tools at settings na ito, maaari mong i-contact ang aming customer care team para sa karagdagang tulong.
  • Mga pahintulot sa device. Ang mga mobile platform ay maaaring magkaroon ng mga system ng pahintulot para sa mga partikular na uri ng data ng device at mga notification, tulad ng mga contact sa phone, mga photo, mga serbisyo sa lokasyon, mga push notification at mga identifier ng advertising. Maaari mong palitan ang iyong mga setting sa iyong device upang pumayag o tumutol sa pagkolekta o pagproseso ng kaukulang impormasyon o pagpapakita ng mga kaukulang notification. Siyempre, kung gagawin mo iyon, maaaring mawalan ng functionality ang ilang partikular na serbisyo.
  • I-uninstall. Maaari mong ipatigil ang lahat ng pangongolekta ng impormasyon ng isang app sa pamamagitan ng pag-uninstall nito gamit ang karaniwang proseso ng pag-uninstall para sa iyong device. Tandaan na HINDI isinasara ng pag-uninstall ng app ang iyong account. Upang isara ang iyong account, mangyaring gamitin ang kaukulang functionality sa serbisyo.
  • Pagsara ng account. Maaari mong isara ang iyong account sa pamamagitan ng direktang paggamit ng kaukulang functionality sa serbisyo.

Gusto rin naming malaman mo ang iyong privacy rights. Depende sa lugar kung saan ka nakatira, maaari kang magkaroon ng karapatan na:

  • Mag-access/alamin. Maaari kang magkaroon ng karapatang humingi ng copy ng impormasyong iningatan namin tungkol sa'yo, at matanggap ito sa isang portable format in certain circumstances. Pwede mong gamitin ang iyong karapatan sa direct access within the service sa pamamagitan ng paggawa ng request.
  • Tanggalin/burahin. Maaari mong i-request na tanggalin namin ang personal na impormasyon na itinatago namin tungkol sa'yo. Pwede mong gamitin ang iyong right to delete sa pamamagitan ng pag-submit ng request.
  • Mag-correct/itama/i-update. Pwede mong itama ang karamihan sa impormasyon na ibinigay mo sa 'min sa pamamagitan ng direktang pag-edit ng iyong profile sa service. Kugn sa tingin mo'y hindi tama ang impormasyong inilagay namin tungkol sa'yo, maaari mo kaming i-contactpara maitama ito.
  • Mag-object/restrict. Maaari ka ring magkaroon ng karapatang tumutol o i-request na i-restrict ang certain processing. Para magawa ito, i-contact kami.

Para sa iyong proteksyon at proteksyon ng lahat ng aming mga member, maaari kaming humingi sa iyo ng patunay ng pagkakakilanlan bago namin masagot ang mga request sa itaas. Tandaan, maaari naming tanggihan ang mga request, tulad ng kung hindi ka namin ma-authenticate, kung ang request ay labag sa batas o hindi wasto, o kung maaari itong lumabag sa mga trade secret o intellectual property o sa privacy o iba pang mga karapatan ng ibang tao. Kung nais mong makatanggap ng impormasyon na may kaugnayan sa isa pang member, tulad ng kopya ng anumang mga message na natanggap mo mula sa kanila sa pamamagitan ng aming serbisyo, ang ibang member ay kailangang makipag-ugnayan sa amin upang ibigay ang kanilang nakasulat na pahintulot bago ilabas ang impormasyon. Maaari rin namin silang hingan ng patunay ng pagkakakilanlan bago namin masagot ang request. Gayundin, maaaring hindi namin matugunan ang ilang partikular na request upang tutulan o limitahan ang pagpoproseso ng personal na impormasyon, lalo na kung hindi na kami papayagang magbigay ng aming serbisyo sa iyo dahil sa mga naturang request na iyon. Halimbawa, hindi namin maibibigay ang aming serbisyo kung wala kaming petsa ng iyong kapanganakan dahil hindi namin masisiguro na ikaw ay 18 taong gulang o pataas.

Kung ikaw ay isang residente ng Virginia, USA, kung i-deny namin ang iyong privacy request, ay maaari kang umapela sa pamamagitan ng pag-contact sa 'min, at pagtukoy lamang sa "Privacy Request Appeal." Kung may inaalala ka tungkol sa resulta ng iyong apela, maaari mong i-contact ang attorney general sa iyong state.

Sa ilang partikular na bansa, kabilang ang European Economic Area at United Kingdom, may karapatan kang magsampa ng reklamo sa angkop na awtoridad sa proteksyon ng data kung mayroon kang mga pag-aalinlangan tungkol sa kung paano namin pinoproseso ang iyong personal na impormasyon. Ang impormasyon tungkol sa iyong data protection regulator sa European Economic Area ay makikita dito, at sa United Kingdom dito. Ang awtoridad sa proteksyon ng data kung saan maaari kang magsampa ng reklamo ay maaaring sa lugar kung saan ka madalas naninirahan, nagtatrabaho o kung saan naganap ang isang 'di umano'y paglabag.

8. Gaano Katagal Namin Itinatago ang Impormasyon Mo

Iniingatan lang namin ang iyong personal na impormasyon hangga't kailangan namin ito para sa legitimate business purposes (gaya ng nakasaad sa Section 4) at ayon sa pinahihintulutan ng angkop na batas. Kung magdesisyon kang tumigil sa paggamit ng aming services, maaari mong isara ang iyong account at ang iyong profile ay hindi na makikita ng ibang members. Tandaan na automatic naming isasara ang iyong account kung inactive ka sa loob ng dalawang taon. Pagkatapos maisara ang iyong account, tatanggalin namin ang iyong personal na impormasyon, gaya ng nakalagay sa ibaba:

  1. Upang protektahan ang kaligtasan at seguridad ng aming mga member, nagpapatupad kami ng safety retention window ng tatlong buwan kasunod ng pagsasara ng account, o isang taon kasunod ng pag-ban ng account. Sa panahong ito, itinatago namin ang iyong impormasyon kung sakaling kailanganin na mag-imbestiga ng mga labag sa batas o nakakapinsalang mga gawain. Ang pagpapanatili ng impormasyon habang nasa safety retention window na ito ay base sa aming lehitimong interes gayundin sa mga potensyal na mga third-party na biktima.

  2. Pag natapos na ang safety retention window, tatanggalin namin ang iyong data at itatago lamang namin ang limitadong impormasyon para sa mga partikular na layunin, gaya ng nakalagay sa ibaba:

    • a) Tinatago namin ang limitadong data upang sumunod sa mga obligasyon sa pagpapanatili ng legal na data: partikular na, tinatago namin ang data ng transaksyon sa loob ng 10 taon upang sumunod sa mga legal na kinakailangan sa tax at accounting, impormasyon ng credit card sa tagal kung kailan maaaring i-challenge ng user ang transaksyon at “traffic data” / log para sa isang taon upang sumunod sa mga legal na obligasyon sa pagpapanatili ng data. Tinatago din namin ang mga rekord ng mga pahintulot na ibinibigay sa amin ng mga member sa loob ng limang taon bilang patunay sa aming pagsunod sa angkop na batas.

    • b) Tinatago namin ang limitadong impormasyon base sa aming lehitimong interes: tinatago namin ang mga rekord ng customer care at kaugnay na data pati na rin ang hindi eksaktong lokasyon ng pag-download/pagbili sa loob ng limang taon upang suportahan ang aming mga desisyon sa customer care, para ipatupad ang aming mga karapatan at bigyang-daan kaming ipagtanggol ang aming sarili kung sakaling magkaroon ng isang claim, impormasyon sa pagkakaroon ng mga nakaraang account at subscription, na tinatanggal namin tatlong taon pagkatapos ng pagsasara ng iyong huling account upang matiyak ang maayos at tamang pagtatayang pinansyal at pag-report, data ng profile sa loob ng isang taon kung sakaling magkaroon ng potensyal na paglilitis, para sa pagtatatag, pagsasakatuparan o pagtatanggol sa mga legal na claim, at data na kinakailangan upang mapigilan ang mga member na na-ban na magbukas ng bagong account, hangga't kinakailangan upang matiyak ang kaligtasan at mahahalagang interes ng ating mga member.

    • c) At panghuli, pinapanatili namin ang impormasyon base sa aming lehitimong interes kung saan mayroon pang natitira o potensyal na isyu, claim o pagtatalo kung saan nangangailang panatilihin namin ang impormasyon (lalo na kung nakatanggap kami ng legal na subpoena o request na panatilihin ang data (sa ganitong pagkakataon ay kakailanganin naming panatilihin ang data upang makasunod sa aming mga legal na obligasyon) o kung kinakailangan ang data bilang bahagi ng mga legal na paglilitis).

9. Bawal ang mga Bata

Ang aming mga serbisyo ay limitado sa mga indibidwal na 18 taong gulang o pataas. Hindi namin pinapayagan ang mga indibidwal na wala pang 18 taong gulang sa aming platform. Kung sa tingin mo na ang isang miyembro ay wala pang 18 taong gulang, mangyaring gamitin ang mekanismo sa pagrereport na matatagpuan sa serbisyo.

10. Mga Aplikante sa Trabaho, Contractor, at Vendor Representative

Pinoproseso namin ang personal na impormasyon ng aming mga aplikante sa trabaho, contractor, at vendor representative, bilang bahagi ng aming pagre-recruit at talent management operations at ang aming pamamahala sa services na ibinibigay sa amin ng contractors at vendors. Kung ikaw ay isang aplikante sa trabaho, contractor o vendor representative ng Tinder, ang ilang mahahalagang kondisyon ng Privacy Policy na ito ang masusunod sa aming pagproseso ng iyong personal na impormasyon, kabilang ang mga bahagi ng Privacy Policy na ito na tumatalakay sa organisasyon na responsable sa pagproseso ng iyong personal na impormasyon, paglilipat ng personal na impormasyon, karapatan na maaaring mayroon ka sa ilalim ng angkop na batas, paano makikipag-ugnayan sa 'min at impormasyong partikular sa California.

Kung ikaw ay isang aplikante sa trabaho, ang personal na impormasyon na pinoproseso namin tungkol sa iyo ay maaaring mag-iba depende sa trabahong hinahanap mo ngunit kadalasang kasama ang impormasyong ibinibigay mo sa amin bilang bahagi ng iyong aplikasyon sa trabaho pati na rin ang mga propesyonal na kwalipikasyon, karanasan at reference information na ibinabahagi sa amin ng mga recruiter o ibang mga third party. Ginagamit namin ang impormasyong ito upang suportahan ang proseso ng pagre-recruit, na maaaring magresulta sa isang kasunduang pantrabaho. Para sa mga kontratista at kinatawan ng vendor, maaari naming iproseso ang impormasyon ng pagkakakilanlan at impormasyong nauugnay sa trabaho, kung kinakailangan upang pamahalaan ang aming relasyon sa iyo at sa iyong pinagtratrabahuhan, na kinakailangan para sa pagtupad sa services agreement, at upang itaguyod, gamitin o labanan ang mga potensyal na legal claim. Maaari kaming magbahagi ng personal na impormasyon sa mga service provider na tumutulong sa amin sa pagre-recruit at mga operasyon sa pagproproseso ng teknikal na data pati na rin sa mga kumpanyang Match Group (halimbawa kung mayroon kang relasyon sa negosyo sa mga empleyado ng isang affiliate). Aming itinatago ang iyong personal na impormasyon hangga't kinakailangan para sa mga layuning iyon.

11. Mga Pagbabago sa Privacy Policy

Dahil palagi kaming naghahanap ng bago at innovative na paraan para matulungan kang makabuo ng meaningful connections at nagsusumikap na siguraduhing up-to-date ang mga paliwanag tungkol sa aming data practices, ang patakarang ito ay maaaring magbago sa paglipas ng panahon. Sasabihan ka namin bago isapatupad ang anumang material changes para magkaroon ka ng oras na i-revie ang nasabing pagbabago.

12. Paano Makikipag-Ugnayan sa Amin

Kung mayroon kang mga tanong tungkol sa Privacy Policy na ito, mayroon kang iba't ibang mga opsyon sa ibaba:

Kung ikaw ay nakatira sa loob ng European Economic Area, United Kingdom o Switzerland:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

MTCH Technology Services Limited

Tinder

1 Hatch Street Upper

Dublin 2

Dublin

D02 PY28

Ireland

Para sa karagdagang impormasyon kung paano makikipag-ugnayan sa data protection officer, paki-klik dito.

Kung nakatira ka sa Japan:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

Tinder - MG Japan Services GK

c/o Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos

Kung ikaw ay nakatira sa labas ng European Economic Area, United Kingdom, Switzerland at Japan:

Online: dito

Sa pamamagitan ng post:

Data Protection Officer

Tinder - Match Group, LLC

8750 North Central Expressway

Suite 1400

Dallas, TX 75231

Estados Unidos