Consent 101
Mahalagang parte ito ng anumang uri ng koneksyon at nandito kami para turuan ka ng basics.
Sexual Assault
Mahirap i-navigate ang dating at sex. Ang bawat taong makakasalamuha mo ay may kanya-kanyang boundaries at expectations — kaya mahalaga ang komunikasyon. Dito papasok ang consent o paghingi ng pahintulot. Mahalagang parte ito ng anumang klase ng koneksyon at nandito kami para turuan ka ng basics.
Simple lang naman ang consent. Ibig lang nitong sabihin ay ang paghingi ng pahintulot sa anumang intimate na gawain. Minsan ipinahahayag ang consent sa salita, minsan sa gawa. Ang importante ay kapag nakipag-meet ka sa isang tao sa personal, responsibilidad mong respetuhin ang kanyang boundaries at kailangang respetuhin niya rin ang iyo. Kung hindi mo alam kung saan siya komportable, 'wag kang mahiyang magtanong.
Kung ika'y makikipag-meet sa isang tao, tandaan: Dapat komportable ka at aktibong nagbibigay ng pahintulot sa anumang sexual activity na magaganap. At kung handa ka nang mag-take ng next step kasama siya, siguraduhing natanggap mo rin ang pahintulot niya sa bawat hakbang.
Tandaan:
Maaaring magkaiba-iba sa legal na depinisyon, pero ang sexual assault ay tumutukoy sa anumang sexual contact o gawain na nagaganap nang walang consent o pahintulot ng biktima. Kasama sa sexual assault ang rape, sexual na paghawak nang walang pahintulot, o sapilitang kilos gaya ng pagbigay o pagtanggap ng oral sex.
Walang pahintulot na maibibigay 'pag ang isang tao ay wala sa tamang physical o mental state dahil nakainom ng alak o naimpluwensiyahan ng drugs - dahil 'di nila naiintindihan ang katotohanan, kalikasan, o lawak ng sitwasyon.
Malayang binibigay ang pahintulot 'pag walang takot, pressure, o bantang kasama. Hindi palaging gumagamit ng pisikal na pwersa ang nagkakasala; maaari rin silang gumamit ng pagbabanta, pagmamanipula, o pamimilit.
Palagi kang may karapatang magsabi ng "no" o "hindi". Ang hindi pagsabi ng mga salitang ito ay hindi pagbibigay ng pahintulot. Kung hindi komportable o nag-aalangan ang isang tao, tanungin kung anong nararamdaman niya at bigyan sila ng space. Tandaan na ang ibig sabihin ng "maybe" o "baka" ay "no".
Ang "yes" o "oo" sa isang klase ng sexual activity ay hindi nangangahulugang "yes" o "oo" rin para sa ibang sexual activity. Ang consent ay hindi lang ibinibigay nang isang beses—ito'y isang bagay na parati mong kailangang i-check sa oras na magkasama kayo. Kahit na ibinigay na ang unang pahintulot, may karapatan pa ring magbago ang isip niya at magsabi ng "no" o "hindi" - at ganoon din sa'yo.
Paghingi ng Consent o Pahintulot
Ang pagbibigay ng consent o pahintulot ay maaaring hindi palaging verbal, pero ang verbal na pag-sang ayon sa iba't ibang sexual activities ay makatutulong sa inyo ng partner mo na respetuhin ang boundaries ng isa't-isa. Kasama sa verbal na pahintulot ang pagsasabi ng "yes" o "oo", "don't stop" o "ituloy mo lang", o malayang pagsasabi sa iyong partner ng gusto mo. Ilang halimbawa ng non-verbal na pahintulot ay ang pagtango, paghila palapit sa isang tao, o aktibong pakikipag-ugnayan gaya ng paghawak sa isa't-isa.
Tandaan na ang non-verbal cues ay hindi gaanong malinaw lalo na kung bago palang kayo ng partner mo, kaya mas mabuting magbigay ng verbal na pahintulot hanggang sa mas makilala niyo ang isa't isa. At bukod pa d'yan, ang paghingi ng consent ay sexy. Ang paghingi ng pahintulot ay dapat palaging malinaw, masigasig, at patuloy sa kabuuan ng sexual activity. Napakaimportante na lahat ng nasa isang relasyon ay komportable sa kung anong nangyayari at ipakita ang pakiramdam na 'yon sa bawat hakbang.
Tandaan na ang paghingi ng pahintulot ay hindi limitado sa sexual activity — magtulungan kayo para makapag-establish kayo ng mutual na interes sa pisikal na ugnayan para masiguradong alam niyo kung saan komportable ang isa't-isa at magbigay ng malinaw na boundaries hangga't maaari. Tandaan din na hindi pwedeng magbigay ng pahintulot ang taong naka-drugs o nakainom.
Pagbibigay ng Pahintulot
Kung 'di ka komportableng sumali sa anumang gawain, 'di mo 'to kailangang gawin at walang karapatan ang sinumang pilitin kang gawin 'to. Maging malinaw pagdating sa mga gusto mong mangyari at tandaan na walang sinuman ang may karapatang pilitin kang lumabas sa boundary mo—at 'wag mo rin 'tong gawin sa iba.
Kung binabalak mong sumali sa anumang klase ng sexual activity, ipaalam sa kasama mo kung ano ang gusto mo — maghanap ng paraan para patuloy kayong makapagbigay ng pahintulot, gaya ng pagtatanong o pagsasabi habang umuusad ang mga bagay. Kung 'di ka sigurado kung gusto rin ng kasama mo ang isang klase ng sexual activity, tanungin mo s'ya. Tandaan, ang hindi pagsabi ng "hindi" ay hindi pagbigay ng pahintulot.