Ang Do's at Don'ts
Para maka-experience ng unforgettable trip, narito ang ilang bagay na dapat mong malaman.
Siguro aware ka na ngayon na ang hindi paggamit ng Tinder habang ika'y nagta-travel ay parang pagkain sa isang restaurant na walang dalang wallet — nagiging limited ang iyong experience at mapapaisip sa magagandang bagay na nangyari sana.
Buti na lang may app na tutulong sa'yo para makipag-meet sa locals sa iyong travel destination — and who knows? Baka tulungan ka niyang matikman ang best-tasting coffee o dalhin ka sa pinakamagandang silent disco in town. At 'di mo ba gustong malaman ang top pizza spot ayon kay Ben, 24, isang NYC native? May super cool friends din siya at password papunta sa hottest speakeasy — 'yan ang isang klase ng connection na hindi mo dapat ma-miss.
Pero para magkaroon ng masayang trip na kasama kami, narito ang ilang mga bagay na dapat mong malaman. Sundin lang ang aming mga tips at 'wag kang magulat kung magkaroon ka ng maraming friends sa magkakaibang area codes.
Update your bio
First things first: I-update ang bio mo at ipaalam sa lahat na ika'y on the move. Pwede mong ilagay ang dates at cities na iyong pupuntahan above your usual spiel. Pero 'wag ibigay lahat ng info: Ang iyong personal info ay hindi lamang lumalabag sa aming Community Guidelines, ito'y delikado rin. Itago ang specifics gaya ng iyong hotel location at ipaalam lang ito sa mga taong malapit sa'yo.
Make connections before you go
May passport ka? Amazing, pero mas maganda kung 'yan ay Tinder-issued. Kung ika'y mahilig mag-plano, sulitin ang iyong Tinder passport para ma ma-check agad ang iyong potential matches at mag-schedule na rin ng meet-ups. Isa itong magandang paraan para makabuo ng itinerary kung saan mayroong new people at new experiences. Para simulan ang iyong vetting process, i-consider: Ito bang match na 'to ay kayang magpatuloy ng convo? Magiging fun at safe ba siyang ka-hang out? Pinakaimportante sa lahat, worth it ba siya sa oras mo sa bagong siyudad? Ito ang mga tanong na dapat magkaroon ng sagot… go get them.
Know the laws where you are
From spitting to smoking, magugulat ka kung anong mga bagay na punishable by law sa iba't ibang siyudad. Siguraduhing nakapag-research ka tungkol sa mga batas sa iyong destination para makaiwas sa anumang sitwasyon na sisira sa iyong trip. Kung ika'y parte ng LGBTQ, alamin ang mga bansang nagbibigay ng parusa sa homosexuality. Kung ika'y nag-travel sa isa sa mga locations na 'to, ino-notify ka namin 'pag binuksan mo ang Tinder at pwede mong gawing private ang iyong profile habang naroon ka.
See everyone
Ang pagpapalawak ng iyong preferences ay maaaring makapagbigay sa'yo ng mas maraming connections. Ang pagbabagong ito'y hindi kinakailangang maging permanente, at madali lang 'to baguhin: Pumunta sa settings at i-ask ang Tinder na ipakita sa'yo ang lahat ng users para makabuo ka ng mas marami pang connections. Makipag-kita sa mga kaibigan, makipag-kita sa potential lovers, at makipag-kita rin sa locals syempre.
Be seen
Nagkaroon ka ng connection at ika'y ready na para makipag-meet IRL sa isang bagong siyudad. Suportado ka namin, pero may isa kaming hiling: Palaging makipag-meet up sa pampublikong lugar, ikaw ma'y 45 miles o 4,000 miles away. Gusto namin na kapansin-pansin ka hanggang sa puntong mukhang hermits ang Kardashians. Makipag-meet up sa mga lugar gaya ng restaurants, museums, bars, at coffee shops, at palaging sagutin ang pansarili mong transpo papunta sa meetup at pabalik.
Share profiles
This is what we call adult shit: Unahin ang iyong pansariling kaligtasan at 'wag ilihim ang iyong connections. Ipaalam sa sinumang travel companion mo kung saan ka pupunta at sino ang iyong kasama. Kung ika'y nasa solo trip, makipag-kumustahan sa iyong mga kaibigan mula sa iyong lugar at i-share ang info ng taong kikitain mo. Magsagawa ng temperature check kung anong opinyon nila tungkol sa kanya at siguraduhing may nakakaalam kung sino ang makakasama mo.
Make your intentions known
Ipaalam sa mga ka-meet mo kung hanggang kailan ka sa lugar na 'yon, anong klase ng connection ang hanap mo, at magiging mas madali ang pag-manage ng expectations niyo sa isa't isa. Here for a long time, but not a long time? Ipaalam ito sa kanila para 'di sila masaktan 'pag umalis ka na.