Buod ng Terms

Kailangan mong basahin at sang-ayunan ang Terms of Use (ang “Agreement”) namin dahil ito ang bumubuo ng binding contract sa pagitan mo at ng Tinder. Gayunpaman, ibinibigay namin ang maikling summary na ito para hindi ka mahirapan (na may naka-capitalize na mga terminong binigyang-kahulugan sa Agreement).

Pagtanggap. Sa paggamit ng Services namin, sumasang-ayon ka sa Agreement na ito, sa Privacy Policy, Cookie Policy, Community Guidelines, at Safety Tips namin, at anumang terms na nag-a-apply sa mga in-app purchase na gagawin mo.

Eligibility. Bago ka gumawa ng account sa Tinder, siguraduhing eligible kang gumamit ng Services namin. Halimbawa, dapat hindi ka bababa sa 18 para magamit ang Services, at hindi ka dapat isang sex offender o convicted felon. Tingnan ang Agreement para sa buong listahan ng eligibility rules. 

Pagbabago sa Services; Termination. Maaari naming baguhin ang Services anumang oras o tuluyang ihinto ang mga ito. Puwede mong i-terminate ang iyong account sa Settings, at inirereserba namin ang karapatang i-terminate ito para sa iyo kung nilabag mo ang Agreement na ito o kung sa tingin namin, hindi naaangkop ang paggamit mo sa Service.

Content. Ikaw ang responsable para sa Content Mo, kabilang ang anumang content na ina-upload o ibinibigay mo habang ginagamit ang Services namin. Hindi ka puwedeng mag-post ng ilegal o hindi naaangkop na content. Wala kang anumang mga karapatan sa content namin o content ng ibang tao. 

Safety. Hindi responsable ang Tinder para sa mga kilos ng mga user nito o sa mga interaction mo sa kanila, at hindi kami nagsasagawa ng mga background check. Mag-ingat at siguraduhing basahin at sundin ang Safety Tips namin sa pakikipag-interact sa mga tao sa loob o labas ng Tinder.

Mga Karapatan. Pinagkakalooban ka ng Tinder ng karapatang gamitin ang Service tulad ng ino-authorize at pinahihintulutan ng Agreement na ito. Tingnan ang Agreement para sa buong listahan ng mga kilos na sinasang-ayunan mong hindi gawin. Binibigyan mo ang Tinder ng license na gamitin ang Content Mo, kabilang ang karapatang i-display ang profile mo.

Rules. Tingnan ang Agreement para sa listahan ng rules na sinasang-ayunan mong sundin kapag gumagamit ka ng Tinder, tulad ng hindi paghingi ng pera mula sa mga ibang user, pangha-harass sa mga ibang user o paggamit ng Service para sa anumang ilegal na layunin.

In App Purchases. Puwede mag-offer ang Tinder ng services na nabibili sa pamamagitan ng mga mobile platform gaya ng Google Play at App Store ng Apple. Napapailalim ang mga purchase na iyon sa terms ng mga platform. Hindi nare-refund ang karamihan ng mga purchase maliban kung iniaatas ng batas, at pinagkakalooban ka lang ng specified license ng ilang services, gaya ng nakasaad sa Agreement. Awtomatikong magre-renew ang ilang mga purchase, tulad ng mga subscription, hanggang i-cancel mo ito. 

Copyright. Kung naniniwala kang nai-post sa Service ang gawa mo sa paraang lumalabag sa iyong copyright, pakipadalhan kami ng abiso sa aming Copyright Agent alinsunod sa instructions ng Agreement.

Mga Disclaimer. Ibinibigay ang Service namin nang “as is,” at tinatanggihan namin ang anumang legal na pananagutan sa kalidad, safety, o reliability ng Service namin.

Limitasyon ng Pananagutan. Sa extent na pinahihintulutan ng batas, nililimitahan namin ang aming pananagutan sa iyo para sa ilang uri ng damages para sa claims na nauugnay sa paggamit mo ng Service, asal ng mga ibang user, at hindi awtorisadong pag-access o paggamit ng Content Mo. Ang aming pinagsama-samang pananagutan ay hindi lalampas sa fees na ibinabayad mo sa amin.

Arbitration. Naglalaman ang Agreement natin ng mandatory arbitration clause. Sumasang-ayon ka na aayusin ang anumang dispute sa pamamagitan ng arbitration, at isinusuko mo ang iyong karapatan sa isang trial sa harap ng jury o na lumahok sa class action. Hindi ito nag-a-apply sa mga user na naninirahan sa loob ng European Economic Area o United Kingdom o saanman kung saan ipinagbabawal ng batas.

Mananaig na Batas; Venue. Nag-a-apply ang batas ng Texas sa Agreement na ito. Dapat dalhin sa Dallas, Texas ang mga aksyon para sa dispute na kaugnay nitong Agreement. Maaaring dalhin ng mga user sa European Economic Area ang mga claim sa bansang tinitirhan nila.

Indemnity. Sumasang-ayon kang i-indemnify kami para sa mga kilos na magmumula sa paggamit mo ng Service, ang Content Mo, o ang paglabag mo sa Agreement na ito.

Special Terms. Nag-a-apply ang ilang karagdagang special terms para sa mga residente ng ilang bansa at mga estado ng US. Tingnan ang Agreement para sa higit pang detalye.