Guide

Basics

Ang lahat ng dapat mong malaman para maging mas ligtas sa Tinder at IRL � all in one place.


Gumawa kami ng listahan ng mga bagay na dapat mong malaman para maging mas ligtas ka sa Tinder at IRL at inilagay ang lahat ng ito sa iisang lugar. Pwede mo 'tong balikan kapag may katanungan ka o kailangan mo ng ilang tips.

Online

  • 'Wag na 'wag mong ibibigay ang iyong personal information, gaya ng iyong address, SSN, o financial info sa iyong Tinder match.
  • 'Wag ibigay ang iyong phone number hangga't 'di ka pa kampante sa iyong match.
  • Huwag magmadali sa paglipat ng inyong conversations sa labas ng app.
  • I-report agad ang lahat ng kahina-hinala at 'di angkop na pag-uugali. Halimbawa:
    • Panghihingi ng pera
    • Pangha-harass o pagbabanta
    • Masamang pag-uugali habang o pagkatapos makipagkita nang personal
    • Members na wala pang 18
    • Spam
    • Unsolicited na panghihingi ng nude o sexual images - kasama ka man dito o ang ibang tao

IRL

  • Makipag-meet at manatili sa pampublikong lugar.
  • Magkaroon ng kontrol sa iyong transpo.
  • Ipaalam sa taong malapit sa'yo kung nasaan ka man.
  • Kung hindi ka na komportable, umalis ka na.