Guide

Ano Ang Maaari Mong Gawin

'Pag may nakita ka, magsalita ka.


Alam mo kapag sumosobra na ang isang tao at 'pag ganito na nga ang nangyayari — gusto namin itong malaman dahil nais naming makatulong at gawing safest way ang Tinder sa pakikipag-meet ng mga bagong tao: Maaari mong i-report dito sa app kapag hindi ka komportable sa isang tao, o ang sinumang lumalabag sa aming guidelines, nakagawa ng malubhang krimen, nakalista sa sex offender registry, o sinumang kakilala mong nakagawa na ng ganito mula sa iyong personal na karanasan. Ito ang madaling paraan para ipaalam sa 'min na kumikilos nang 'di angkop ang isang tao, at walang ibang makakaalam nito.

Narito kami para sa 'yo. Siniseryoso namin ang harassment, at sa totoo lang, ayaw namin ng ganito sa Tinder. Narito ang ilang dahilan kung bakit namin bina-ban ang isang tao:

  • Mga racist na pananalita o pambabastos
  • Pagbabanta o pag-send ng offensive messages sa loob at labas ng app
  • Pangha-harass sa matches mo sa loob o labas ng app
  • Pag-send ng sexually explicit content sa loob o labas ng app na walang pahintulot o consent ng iyong match
  • Pagpapadala ng spam o solicitation, kasama na ang links sa ecommerce sites o pagtatangkang pagbenta ng mga produkto o serbisyo