Paano I-Report Ang Isang Tao
Narito ang isang guide sa lahat ng paraan upang mai-report mo ang isang tao sa Tinder.
Pag-report Bago Kayo Mag-match
Habang tumitingin ng bagong profiles ng potential matches…
- Buksan ang profile ng user
- I-tap ang ellipses icon
- Piliin ang option ng pag-report.
Pag-report Pagkatapos Ninyong Mag-match
Sa iyong match list…
- Buksan ang message screen
- I-tap ang ellipses icon o ang shield icon
- Piliin ang option ng pag-report
Pag-report ng Isang Bagay na Nangyari sa Personal
Kung nais mong mag-report ng isang bagay na nangyari sa personal: Sumulat sa amin at ilagay ang mga sumusunod na impormasyon:
- Ang dahilan ng pag-report
- Ang eksaktong pangalan, edad, bio, at photos na lumalabas sa profile ng iyong nire-report (pinakamainam ang screenshots)
- Iba pang impormasyon na makatutulong gaya ng location ng user, phone number, email address, at link sa kanilang Facebook account.
Sineseryoso namin ang reports na aming natatanggap. Sa mas maraming detalye na iyong maibibigay, mas mabilis naming makikilala at maiimbestigahan ang profile o user na iyong ni-report.
Pag-report sa Isang Taong Na-unmatch Mo o Nag-unmatch Sa'yo
Kahit na ang iyong match ay hindi na lumalabas sa iyong message screen, maaari mo pa rin siyang i-report online. Titingnan ito ng aming team at tutukuyin kung anong mga hakbang na dapat gawin.
Mga Bagay na Pwedeng I-report
Seryoso kami pagdating sa kaligtasan ng aming community - at gusto namin na best place ang Tinder sa pakikipag-meet ng mga bagong tao, at sila'y nagkakatuwaan din. Kung ika'y nakipag-interact sa isang bastos, inappropriate o creepy na tao sa Tinder, ipaalam ito sa amin. Bilang paalala sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin sa Tinder, basahin ang aming Community Guidelines.