Your IRL Guide
Tips para maging mas ligtas ka IRL (kahit nais naming hindi mo na ito kailanganin).
Nasa mundo tayo kung saan may ilang mayroong masasamang balak. Gusto naming magawa mo ang lahat ng iyong makakaya para mas maging ligtas ka IRL, pero tanggap din namin na hindi naman dapat kailangang ganito pa: Hindi mo na dapat kailanganing maging extra sa page-effort para lang maging ligtas ka at alam naming napaka-unfair isipin na ang ibang tao'y hindi na kinakailangang mag-take ng precautions base sa kanilang kasarian, gender identity, lahi, relihiyon at sexual orientation.
Kung may mangyari man sa labas ng app, narito ang ilang bagay na dapat mong tandaan — pwede mo siyang i-block para 'di ka na niya ma-contact sa messaging service na ginagamit mo at mai-report mo pa rin siya sa'min. Kahit na-unmatch ka na niya, pwede mong i-report ang taong ito sa amin para matignan namin at matukoy ang mga hakbang na dapat gawin.
Let’s be clear: Walang sinuman ang dapat malagay sa alanganin kahit na gaano pa kadami ang nainom nila o kung sinuman ang pinagkatiwalaan nilang maghatid sa kanila pauwi. Hindi katanggap-tanggap na gumawa ng marahas na bagay ang sinuman sa'yo.
Kaya narito ang ilang tips para maging mas ligtas ka IRL, kahit nais naming hindi mo na ito kailangan pang alalahanin:
Bago ang Meetup
- 'Wag magmadaling lumabas sa app o i-share ang iyong personal info: Ibigay lang ang number mo 'pag komportable ka na at siguraduhing itago ang mga bagay gaya ng iyong home address at daily routine mo 'pag kinikilala mo palang ang isang tao.
- I-share sa iba ang iyong ginagawa: Ipaalam mo sa mga kaibigan at kapamilya ang iyong mga plano - pinakamainam na may pinagkakatiwalaan kang tao na pwede mong sabihan kung saan ka pumupunta.
- Magkaroon pa rin ng kontrol: Ikaw ang pumili ng sasakyan mo papunta sa inyong meetup place kahit na mag-offer siyang sunduin ka.
- Palaging pumili ng (at manatili sa) mga pampublikong lugar 'pag makikipag-meetup sa taong 'di mo pa lubos na kilala.
Habang Nasa Meetup
- Kung gumagamit ka ng drugs o nag-iinom, alamin kung paano ito nakakaapekto sa'yo. Dahil mayroon pa ring mga tao na maaaring pagsamantalahan ka, kahit nakalulungkot itong isipin.
- Palaging bantayan at panatilihing malapit sa'yo ang iyong mga gamit: Bag, phone, susi, wallet, inumin? 'Wag mo 'tong iiwanan.
Pagkatapos ng Meetup
- Manatiling may kontrol: Ikaw ang pumili ng iyong sasakyan pauwi sa bahay mo.
- Hindi ka ba natuwa sa iyong experience? I-unmatch mo na siya - at i-report kung sa tingin mo'y kinakailangan. 'Wag kang mag-alala.
Pakikipag-date sa gitna ng coronavirus:
Lahat tayo'y sabik na makipag-reconnect IRL, pero nakasalalay sa'tin kung paano magiging ligtas ang ating mga komunidad. Kapag na-approve na ng inyong local health authority ang small social gatherings at tingin mo'y handa ka na para lawakan ang grupong sinasamahan mo, sundin ang payo ng inyong local health authority o i-check ang guidance ng World Health Organization. Kapag dumating na ang oras na 'yon, maging open ka – sa mga bagay na komportable ka – at sa mga bagay rin na hindi ka komportable. Ang pag-set ng boundaries at pagiging prangka sa iyong matches kung saan ka komportable sa mga panahong ito ay napakaimportante. Tandaan: ang iyong kaligtasan at peace of mind ang priority mo dapat. Para matulungan ka along the way, nag-konsulta kami kay Peter Pitts, President, Center for Medicine in the Public Interest, para makabuo ng tips sa pagbalik sa IRL dating:
- Palaging magsuot ng mask: Sa bawat oras na makikipag-meet ka sa isang bagong tao, siguraduhing takluban ang iyong ilong at bibig. Pinapanatili mong ligtas ang iyong sarili at ang iyong komunidad sa ganitong paraan. Tandaan: ang virus ay maaaring maipasa kahit na wala kang nararamdamang symptoms.
- Don't rush to touch: 'Wag makipag-shake hands, hug o kiss hangga't hindi mo alam ang health status ng isang tao -- at gawin din ito 'pag dumating na ang oras para i-meet ang kanyang mga kaibigan. Makipag-connect digitally kung masama ang iyong pakiramdam: Iba't iba ang epekto ng virus sa bawat tao, kaya kung masama ang iyong pakiramdam, makipag-date via FaceTime, Zoom, o sa paborito mong video messenger. Hindi worth the risk na magkasakit ka o mahawa sa sakit mo ang ibang tao - at pwede niyo pa rin namang paghandaan gaya ng pag-ilaw ng mga kandila o pagpapa-deliver ng pagkain.
- Pag-isipang mabuti ang pagpili ng inyong date spot: Kung komportable ka nang makipagkita sa personal, siguraduhing pumili ng lugar na isinasagawa ang safe hygiene at social distancing. Magdala ng wipes at hand sanitizer para mapunasan ang anumang bagay na iyong hahawakan o uupuan. At 'wag kalimutang maghugas ng iyong kamay palagi!
Kung pakiramdam mo'y nagsisimula ka nang magkasakit, sundin ang patnubay ng iyong local health authority at ipaalam agad ito sa iyong mga nakasalamuha.
Marami pang tips ang makikita sa aming website dito.