Guide

Mga Bagay na Dapat I-report

Kailan mo dapat i-report ang isang tao sa Tinder at kailan sila hindi dapat i-report.


Ginagawa naming top priority sa Tinder ang iyong kaligtasan, at gusto naming ipaalam mo agad sa'min ang anumang kahina-hinalang pag-uugali na makikita mo. Hindi lahat ng tao'y mayroong mabuting intensyon. At dahil may milyun-milyong miyembro kami sa app, malaki ang posibilidad na may ilang masasamang tao dito. Para maging mas epektibo ang proseso ng pag-report, kailangan naming ipaalam sa lahat kung kailan dapat at hindi dapat kayo mag-report ng tao sa Tinder.

Ang aming diverse at colorful na komunidad ang pinagkaiba namin sa ibang dating apps — and we love that. Habang narito ka, may makakasalamuha kang mga tao mula sa lahat ng klase ng backgrounds. Isipin mo na para itong isang malaking metropolis na may mga tao mula sa iba't-ibang lugar, gaya ng NYC pero mas pinalaki pa. At gayahin mo ang ginagawa ng mga taga-New York: 'Pag may nakita ka, 'wag kang matakot na sabihin ito. 'Di mo lang mapoprotektahan ang ibang users na maging biktima ng pamilyar na pag-uugali, ngunit ikaw rin ang magsisilbing mga mata at tenga namin sa mga bagay na 'di namin nakikita at naririnig. Tulungang maging ligtas ang ating komunidad sa pamamagitan ng pag-report ng mga insidenteng lumalabag sa aming community guidelines.

Kaya ito ang mga bagay na kailangan mong malaman tungkol sa pag-report.

Online

Narito ka para bumuo ng connections, hindi pera, at kung may manghingi sa'yo ng impormasyong pampinansyal, dapat ipaalam mo ito sa kanya — at pati na rin sa'min. Gusto naming malaman kung may mga taong nagbibigay ng personal info sa kanilang profile o nanghihingi ng ganitong info sa'yo.

I-report ang harassment sa loob at labas ng app.

Siniseryoso namin ang lahat ng report ng harassment at dapat ay ganoon ka rin. Pero 'di namin malalaman kung may nambabastos sa'yo kung offline kayo nag-uusap. Kapag may nag-send sa'yo ng mga bastos na mensahe, sa loob man o labas ng app, ipaalam ito sa'min at kami na ang bahala dito.

Huwag i-report ang mga taong 'di sumasagot sa message mo.

Minsa'y hindi ka nakakakuha ng reply mula sa naka-match mo, at ika'y nagtataka kung bakit pa siya nakipag-match sa'yo. Posibleng nawalan siya ng interes, nagkamali sa pag-match, o natakot — 'di natin malalaman. Pero okay lang 'yan, balik ka na lang ulit at maghanap ng bagong matches imbes na i-report siya.

I-report ang anumang pagpapadala ng sexually explicit content na walang pahintulot mo.

Ginagawa namin ang lahat para makialam 'pag sa tingin nami'y hindi na angkop ang message sa app, pero ang bawat tao'y may kanya-kanyang boundaries. Kung may nagpadala sa'yo ng sexually explicit content na walang pahintulot mo, pwede mo siyang i-report sa'min kahit sa labas na kayo ng app nag-uusap. Siguraduhing i-unmatch at i-block siya sa iba pang app kung saan ka niya pwedeng ma-contact.

Huwag i-report ang isang tao batay sa kanyang lahi, kasarian, o sexual orientation.

Hindit lahat ng iyong potential matches ay kamukha mo o kapareho mo ng paniniwala. Kung 'di ka interesado sa isang tao dahil siya'y black, trans, o bisexual, alam mo ang pwede mong gawin? Gamitin lang ang Swipe Left® feature para mag-pass at mag-move on na sa susunod na tao. Magtiwala ka sa'min, ang mangyayari lang 'pag nag-report ka ng tao batay sa identity niya ay pagpapakita mo sa'min na may pagka-asshole ka.