Tools

Ang aming blue checkmark ay hindi lamang para sa influencers, ito'y para sa lahat. Kapag ang isang profile ay verified, makasisigurado ka na ang taong ito'y naglaan ng oras para patunayan na siya talaga ang nakikita mo sa profile niya.

Narito kung paano ito gumagana: Ang isang member ay kukuha ng 2 selfies na ginagaya ang poses na ipinapakita. Sunod nama'y ang aming super cool AI stuff para mapatunayan ang authenticity ng photos. Kapag nakumpirma na naming magka-match ang pictures, magdadagdag kami ng blue checkmark sa profile, para ipaalam sa lahat na ang taong nasa photos ay siya ring nags-swipe at nagme-message.

Sa mas maraming profiles na aming ma-verify, mas magiging ligtas ang ating komunidad. Kaya kung wala ka pang blue checkmark sa profile mo, pumunta lang sa iyong Settings at i-tap ang nasa tabi ng iyong pangalan para magsimula.