Anong Mangyayari Pagkatapos Kong Mag-Report?
Nag-report ka ng isang tao sa Tinder. Ano nang mangyayari?
Ginawa mo na ang iyong parte sa pamamagitan ng pagpapaalam sa'min na may hindi magandang nangyayari — kaya ngayo'y kami naman. Ito ang mga bagay na pwede mong i-expect pagkatapos mong i-report ang isang tao sa Tinder:
- Ang specific account na 'yon ay hindi na makikita sa iyong match list o maga-appear habang nags-swipe ka
- Wala sa mga detalye na ibinigay mo ang ibabahagi sa taong ni-report mo
- Isang member mula sa aming Trust & Safety team ang titingin dito para matukoy ang susunod na steps at gumawa ng aksyon base sa aming Community Guidelines
- Kung ika'y nag-submit ng report via email, maaari kang mag-reply sa automated response para mag-follow up
Dahil sa privacy guidelines, hindi namin maipapakita sa lahat ng oras ang buong detalye ng isang report sa'yo, pero gusto naming malaman mo na sineseryoso namin ang bawat report at iha-handle namin ito nang may pag-iingat.
Ang pagbabahagi ng iyong experience ay hindi madali, kaya pinahahalagahan namin ang iyong pamamahagi. Kung kinakailangan mo ng karagdagang suporta pagkatapos mag-report, pwede kang makahanap ng support resources dito.