Tools

Paano Mag-report

May ilang paraan para mag-report ng isang tao sa loob ng app.


Pagre-report Bago Kayo Mag-match

Habang tumitingin ng bagong profiles ng potential matches…

  1. Buksan ang profile ng user
  2. I-tap ang ellipses icon
  3. Piliin ang option ng pag-report.
Pagre-report bago mag-match sa loob ng Tinder app

Pag-report Pagkatapos Niyong Mag-match:

Sa iyong match list…

  1. Buksan ang message screen
  2. I-tap ang ellipses icon o ang shield icon
  3. Piliin ang option ng pag-report
Pagre-report pagkatapos makipag-match sa loob ng Tinder app

Pag-report ng Offline Behavior

Kung gusto mong mag-report ng isang bagay na nangyari offline: Sumulat sa'min at ilagay ang mga sumusunod na impormasyon:

  • Ang dahilan ng pag-report
  • Ang eksaktong pangalan, edad, bio, at mga photo na lumalabas sa profile ng iyong nire-report (pinakamainam ang screenshots)
  • Iba pang impormasyon na makatutulong gaya ng location ng user, phone number, email address, at link sa kanyang Facebook account.

Sineseryoso namin ang mga ganitong report. Kung mas marami kang maibibigay na impormasyon, mas mabilis naming makikilala at maiimbestigahan ang profile o user na iyong ni-report.


Pag-report sa Isang Taong Na-unmatch Mo o Nag-unmatch Sa'yo

Kahit na ang iyong match ay hindi na lumalabas sa iyong message screen, maaari mo pa rin siyang i-report online. Titingnan ito ng aming team at tutukuyin kung anong mga hakbang na dapat gawin.

Mga Bagay na Dapat I-report

Sineseryoso namin ang kaligtasan ng aming komunidad - at gusto namin na maging best place ang Tinder sa pakikipag-meet ng mga bagong tao, at sila'y nagkakatuwaan din. Kung ika'y nakipag-interact sa isang bastos, inappropriate o creepy na tao sa Tinder, ipaalam ito sa amin. Bilang paalala sa mga bagay na dapat at hindi dapat gawin sa Tinder, basahin ang aming Community Guidelines.